<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 18, 2007

Marc Pingris ayaw pang buntisin si Danica

Wala pang balak magka-baby sina Danica Sotto at Marc Pingris na ikinasal noong Marso 3 sa Palms Country Club sa Alabang.

Sabi sa amin ni Marc nang matsika namin siya sa nakaraang birthday party ni Bing Loyzaga sa Esquinita, hindi muna niya bubuntisin si Danica.

Gusto niya ay mga two years pa bago sila magka-baby para ma-enjoy muna nila nang husto ang isa’t isa.

Ani Marc, kung si Danica ang tatanungin ay okey lang dito na magkaanak na sila next year, pero mas gusto niya na may sarili na silang bahay bago magbuntis ang kanyang misis.

Tumitingin na sila ng lupa sa may Antipolo na posible nilang patayuan ng bahay. Mukhang type doon ni Marc dahil mataas ang lugar at ang ganda ng view na overlooking.

Naaliw kami sa power forward ng Tender Juicy Giants dahil ang laki-laki niyang tao (6’4" ang height ni Marc) pero para siyang bata.

Sobrang sweet niya kay Danica at panay ang yakap niya sa kanyang asawa. Hindi siya nahihiyang ipakita na mahal na mahal niya si Danica.

May videoke sa party ni Bing kaya panay ang kanta ni Danica kasama ang dalawa niyang non-showbiz girl friends.

Ang cute ni Marc na sinasabayan ang pag-awit ni Danica kahit aminado siyang hindi siya maru-nong kumanta.

Dayalog niya sa amin, kailangan niyang matutong mag-videoke dahil si Danica ay sinasaba-yan ang kanyang pagdyi-gym.

Siya ang trainor ni Danica at magpo-focus siya sa abs nito, kaya binilhan niya pa ito ng sauna suit para mas madali itong pumayat.

Hindi raw mataba si Danica pero dapat pang ayusin ang porma ng katawan nito. Gusto raw niyang magkaroon ito ng pamatay na abs para next time na rumampa sila sa Boracay at magsuot ng bikini si Danica ay pagti-tinginan ng mga lalake ang abs ng misis niya.

‘Yun din ang dahilan kaya ayaw niya munang ma-preggy ang wife niya dahil sayang ang sexy body na paghihirapan nito sa gym.

Inalok namin ng beer si Marc pero tumanggi siya at Asti lang ang ininom niya.

Napangiti ang tisoy na basketbolista nang sabihin naming crush na crush siya ni Mother Lily Monteverde. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites