<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, April 24, 2007

Margaret Wilson, itim ang kili-kili?

Madali naming nahulaan ‘yung isang blind item ng Startalk nu’ng Sabado dahil very giveaway ang clue. Napaka-obvious na si 2007 Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson ang tinutukoy na beauty queen na diumano ay maitim ang kili-kili.

Pinagreak namin tungkol dito ang manager ni Margaret na si Neil de Guia at buong ningning nitong itinanggi na maitim ang kili-kili ng kanyang alaga. Malamang na sinisiraan lang daw si Maggie.

Hinanap namin sa internet ang ilang photos ni Maggie na nakataas ang kanyang braso para malaman kung totoo ang tsismis.

Sa mga nakita naming pictures ay hindi dark ang armpits ng 17-anyos na panlaban natin sa Miss World.

Mahalagang maputi ang bahaging ‘yon ng katawan ng isang kandidata dahil maraming pagkakataon sa beauty pageant na kakaway-kaway sila at mae-expose ang kanilang kili-kili. Nakahihiya kung maitim ‘yon.

Bilang isang TV actress-model ay conscious siguro si Maggie sa kanyang katawan, lalo na ngayong isa na siyang beauty titlist.

In fairness, kahit nu’ng bagets pa si Maggie ay marami nang nagsasabing malaki ang promise niya na maging beauty queen dahil bukod sa pretty at matangkad ay smart siya at okey ang personality.

Last year ay nakasama pa namin siya sa Nivea event sa Bohol pero this year sa Camsur ay hindi na siya nakasali dahil naging abala na siya sa Bb. Pilipinas.

Huli naming nakita si Maggie sa presscon ni Richard Gomez sa Imperial Palace, na hindi siya namukhaan ng ilang showbiz press dahil hindi siya nakaayos at naka-casual clothes lang.

Dayalog tuloy ng isang entertainment editor na katabi namin, dapat ay hindi lumalabas si Maggie na ganu’n ang itsura dahil may titulo na siya.

Dapat aniya ay lagi itong nakaayos at conscious sa kanyang pananamit lalo na ‘pag lumalabas in public para hindi ma-disillusion ang makakakita.

Sa Oktubre nakatakdang lumaban ang Fil-British na si Margaret Nales Wilson sa 57th Miss World na to be announced pa kung saan gaganapin. Last year ay ginanap ito sa Warsaw, Poland.

Ayon sa wikipedia, mahigit 120 bansa ang maglalaban-laban this year sa nasabing pageant. ‘MW’ ang initials ni Maggie na sana raw ang ibig sabihin ay Miss World dahil hanggang ngayon ay never pang napanalunan ng Pilipinas ang nasabing titulo.

Ang outgoing Miss World titleholder ay si Tatiana Kucharova ng Czech Republic. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites