<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, April 14, 2007

Pagbabago sa comedy block ng GMA Network

May mga pagbabago sa comedy block ng GMA Network simula bukas (Sabado, Abril 14) sa ‘Todo Saya Party!’ ng KiliTV.

Sa Bitoy’s Funniest Videos bukas ay may bagong set at mas pinasayang segments at promos: ang ‘Guess Who’ na magpapakilala ng celebrity guest na naka-disguise at pahuhulaan sa audience kung sino ito para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P2,000; ang semi-regular segment na ‘Kita K,’ kung saan dapat mahulaan ng televiewers ang apat na beses na paglabas ni K Brosas sa show para magkaroon ng pagkakataong manalo ng P10,000.

May new look ang HP! To the Highest Level! Mas pinarami ang kwelang games nito at mas marami pang behind-the-scenes footage ang makikita sa show.

Sa Lunes (Abril 16), magsisimula na ang ba-gong sitcom na Who’s Your Daddy Now? Pinagbibidahan ito nina Joey Marquez at Raymart Santiago bilang mga lalaking matatapos ang buhay-binata sa pagdating ng character ni Alynna Asistio, na magsasabing isa sa kanila ang tatay niya.

Ang sitcom tuwing Martes na Bahay Mo Ba ‘To? ay magkakaroon din ng mga bagong set at mga bagong gimik.

Ipagdiriwang ng Nuts Entertainment ang ika-4 na anibersaryo nito sa Miyerkules (Abril 18).

Ipakikilala ang bago nilang playmates, sina Alfred Vargas at Joyce Jimenez (na isang buwan mapapanood sa show).

Makikita na rin ang mas pina-sexy nitong ‘look,’ mga bagong promo, mas nakaiintrigang segments, at mas exciting na games na dapat abangan, tulad ng ‘fake lie detector test,’ ‘Beat the Gibbs,’ ‘Join Ka Nuts’ at isang kakaibang bagong segment kung saan paghaharapin ni Joey de Leon ang mga taong may totoong isyu at aayusin ang kanilang away sa pamamagitan ng mga laro sa show.

Magiging semi-regular na sa Bubble Gang na sina Mark Herras, Katrina Halili at Jewel Mische. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites