<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 25, 2007

Patrick Garcia clarifies things

Kahapon sa Wow... Ang Showbiz! radio program ay nagpaliwanag si Patrick Garcia sa isyung hindi na siya nagpainterbyu sa mga taga-Startalk ay binastos pa niya ang mga ito dahil pinagsarhan niya ng pinto.

Ayon kay Patrick, kung alam daw niya na iinterbyuhin siya ng mga taga-Startalk sa taping, sana raw ay pinaghandaan niya ‘yon.

Natutulog daw siya sa loob ng kotse at nakasandal siya sa may pintuan nang biglang buksan ‘yon ng kanyang maid.

Isinara raw niya ‘yon bigla dahil malalaglag siya.

"Hindi ko po alam na kaya binuksan ng maid ‘yung pinto ng kotse eh dahil gusto akong interbyuhin ng mga taga-Startalk.

"Hindi po intentional ‘yon. Kung akala po nila, eh, binastos ko sila, I apologize po!" pahayag ng young actor.

Hindi raw gusto ni Patrick ang sagutin ang mga litanya ni Manay Lolit.

Naniniwala raw ang boyfriend ni Jennylyn na nakapag-dialogue lang si Manay Lolit against him dahil sa nakarating na balita rito.

Nagpahayag din si Patrick na hindi masama ang loob niya kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Entertainment dahil sa pagkakaalis niya sa cast ng Tiyanak, ang pelikulang pagtatambalan nina Jennylyn at Mark Herras.

Maging siya raw ay hindi magiging komportable kung magkakasama silang tatlo sa pelikulang ‘yon dahil alam niyang iintrigahin lang sila.

Isa pa, sa Hunyo rin daw kasi ipalalabas ang isang movie na kasama sila ni Jennylyn, kaya okey rin na nawala siya sa Tiyanak.

Nilinaw rin ni Patrick na hindi niya minahal si Jennylyn para maging ka-loveteam, kaya okey lang kung hindi sila pagtambalin sa TV o pelikula.

"Niligawan ko si Jennylyn dahil gusto at mahal ko siya. Hindi para maging magka-loveteam kami.

"Actually, kapag magkasama kaming nagge-guest sa ilang TV shows, eh, naiilang pa ako.

"Sa akin kasi, masaya na ako na kaming dalawa kahit hindi pa kami ang gawing magka-loveteam," pahayag ni Patrick. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites