<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, April 29, 2007

Patrick Garcia nagpakumbaba sa "Startalk"

Nagpakumbaba si Patrick Garcia sa Startalk at personal na humingi ng patawad sa ginawa niya sa isang reporter ng naturang showbiz talk show nu’ng nakaraang linggo.

Si Mother Lily ang gumawa ng hakbang na ayusin ito sa Startalk at pati na kay Manay Lolit dahil nagi-guilty raw siya.

Nagsimula ang isyung ito nang isinali si Patrick sa Tiyanak ni Jennylyn Mercado kasama si Mark Herras na dinesisyunan namang tanggalin.

Kasama ni Patrick si Mother Lily na nagpa-interview sa Startalk para linawin na rin kung bakit hindi na ito isinali sa Tiyanak.

"I felt bad for Patrick, kasi, kawawa naman siya. Kasali na sana siya sa storycon ng Tiyanak, pero we decided na huwag na lang dahil meron pala silang Angels ni Jennylyn," paliwanag ni Mother Lily.

"I called up Roselle (Monteverde) na mas mabuting huwag na lang isali dahil mapi-preempt naman ito ng movie nila ni Jennylyn. Hindi dahil sa ayaw ni Mark, kundi iyun lang talaga ang reason," patuloy ni Mother Lily.

Nang nakausap si Patrick ng Startalk kahapon, hindi na siya nagpaliwanag kundi nag-sorry na siya kaagad at nangakong hindi na mauulit ang ginawa niya.

Humingi rin si Patrick ng patawad sa reporter ng Startalk na si Baby Briones at pati kay Manay Lolit nakiusap na ring tapusin na sana ang isyu.

Napag-usapan na rin kahapon ang isyung balak daw idemanda ng mga magulang ni Patrick si Manay Lolit dahil sa mga sinabi nito sa radyo laban sa aktor.

Hindi raw ito alam ni Patrick dahil hindi pa raw niya nakakausap ang kanyang magulang, pero sana raw ay huwag na lang para hindi na humaba ang gulo.

Nilinaw niyang wala siyang tampo o galit sa Startalk kaya ilang beses siyang nag-sorry sa ginawa niya.

Nagkataon lang daw na iba ang mood niya nu’ng nilapitan siya ng kanyang alalay.

Tinanggap ng Startalk ang apology ni Patrick at noon pa man ay nilinaw ng naturang programa na welcome pa rin sa kanila si Patrick kung meron itong ipu-promote.

Open si Manay Lolit sa pakikipagbati kina Patrick pero gusto nitong linawin na ang ginawa niya ay pagtatanggol lamang sa mga staff ng Startalk.

Dati pa ay tanging siya lang ang nagtatanggol sa mga taga-Startalk kapag tingin nito’y naapi sila.

Patuloy raw niyang gagawin iyun kung mababalitaan niyang naapi ng kung sino mang artista o celebrity ang staff ng Startalk.

Nagpapasalamat naman si Patrick kay Jennylyn dahil nandiyan ang young actress na kaagad na nagtatanggol sa kanya pagdating sa ganung sitwasyon. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites