<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, April 14, 2007

Polo Ravales nahihiya kay Ara Mina

Mukhang irita na si Polo Ravales sa mga naglabasang isyung nagwala raw siya sa Boracay nu’ng Semana Santa at meron siyang ka-date na Brazilian model.

Itinatanggi ito ng aktor dahil nag-enjoy lang daw siya roon gawa ng first time niyang pumunta at magbakasyon sa Boracay.

"Kasama ko sina Ehra Madrigal, marami kami, grupo. Pwede mong itanong sa kanila kung nagwala ba ako roon. Siyempre, nag-enjoy lang ako roon pero iyung nagwala, hindi totoo iyun," pagtatanggol ng aktor sa sarili.

Ang isyung may Brazilian model daw na ka-date ay sinagot ni Polo. Ang dating Ms. Earth na ex-girlfriend ni Mark Nelson pala ang tinutukoy.

"Nakakasama ko roon si Priscilla pero hanggang du’n lang dahil marami kami. Kaibigan ko lang iyun," patuloy ng aktor.

Aware siyang nakarating kay Ara Mina ang mga isyung iyun, at hinahamon niya kung sino itong nagparating sa dating girlfriend na maglabas ng pruweba.

"Nahihiya na ako kay Ara dahil nadadamay siya sa mga ganung intriga, pero hindi talaga totoo iyun."

Gusto niyang magkausap silang dalawa para maayos ang mga ganung isyu pero hindi pa raw siya handa at wala pa raw silang panahon na makapag-usap nang masinsinan.

Hindi na lang sineryoso ni Ara ang mga isyung ito. Aniya, "Totoong may mga nagsusumbong sa akin, pero wala silang naririnig sa akin. Hindi naman ako nagsasalita tungkol dun."

Nakunan namin ng reaksyon si Ara sa launch nito bilang endorser ng Cathy Valencia Skin and Body Center. Kung wala siyang press launch, hindi raw siya magsasalita tungkol sa kanila ni Polo.

Sa ngayon ay mas pinagkakaabalahan na lang daw niya ang pa-ngangampanya sa kanyang Daddy na tumatakbong Congressman ng Quezon City.

Aminado si Ara na hindi pa naghilom ang sugat sa kanyang puso sa hiwalayan nila ni Polo kaya na-inspire siyang gumawa ng isang kanta tungkol sa nararamdaman niya sa kanilang break-up.

Kung nag-promote siya ng album niyang Moving On nu’ng naghiwalay sila ni Jomari Yllana, ngayon ay Moving On Again ang drama niya kay Polo.

Samantala, itinatanggi ni Ara ang sinabi ni Eric Fructuoso na isa siya sa nakatsugian nito noon.

Totoong nanligaw daw sa kanya si Eric pero hindi raw ganun kaseryoso at sobrang bata pa raw niya noon. "Siyempre, takot na takot ako nu’n na mabuntis," sagot ni Ara. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites