<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, April 25, 2007

Rochelle Pangilinan, balik Daisy Siete

BALIK-DAISY Siete si Rochelle Pangilinan matapos mag-concentrate sa solo album under Sony BMG Music.

Aminado ang leader ng Sex Bomb na mahirap magsolo, pero kailangan daw niyang gawin ito dahil nagkaka-edad na at hindi habang panaho’y kayang sumayaw.

Anyway, ang mas umagaw ng pansin sa presscon ng Daisy Siete Season 15, Isla Chikitita, ay ang pag-amin ni Rochelle sa harap ng mga kasamahan na si Sunshine ang susunod sa kanyang mga yapak.

In fairness, bago nagsalita si Rochelle, humingi muna siya ng paumanhin sa mga kasamahan. Ayaw daw kasi niyang magsinungaling sa entertainment reporters.

Katabi ni Rochelle si Jopay nang sabihin na para sa kanya, si Sunshine ang susunod na leader ng Sex Bomb ’pag wala na siya.

Kahit hindi nagsalita, bakas sa mukha ni Jopay ang lungkot at pagkadismaya. Para kasi siyang nilaglag ni Rochelle.

Pahabol pa ng huli, nakita niya kung ga’no kagaling umarte si Sunshine nang gampanan ang role ng isang retarded sa Daisy Siete.

Speaking of Jopay, totoo bang almost two years na ang relasyon nila ni Joshua Zamora?

“Totoo at hindi ko naman dinidenay,” bungad niya. Maraming nakaaalam na may relasyon kami. Nagkataon lang na kapag tinatanong ako noon, lagi kong sinasabi na loveless ako para protektahan ang relasyon namin."

“Ang mahirap kasi sa showbiz, ’pag umamin ka, siguradong gagawan ka ng intriga. Tanggap siya ng mga magulang ko. Alam na rin ng dalawang anak niyang kami na.

“Ate Jopay nga ang tawag sa ’kin ng panganay niya, eh. ’Yung bunso naman, Jopay lang. Okay naman sa akin dahil nakakatuwa siya,” patuloy ng dancer.

* * *
USAPING Sex Bomb pa rin … maugong ang balitang baka tanggalin uli ang grupo ni Joy Cancio sa Eat Bulaga.

Ang nakarating sa amin, baka raw alisin ang Sex Bomb dahil nasasapawan ang EB Babes. How true?

Hindi naman kami naniniwala sa tsikang ito dahil mula nang bumalik sila sa EB, mas gumanda ang rating nito.

May nagtanong uli … hindi raw kaya ang EB Babes ang tatanggalin?

Well, sana kung may mangyari mang tsugihan, pareho pa ring ma-retain ang SB at EB.
Thanks to source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites