<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, April 30, 2007

Rufa Mae, kinuha ng GMA-7 News & Public Affairs

NAKATULONG yata ang panggagaya ni Rufa Mae Quinto kay Mel Tiangco sa 4 Oras portion ng Bubble Gang, dahil kinuha siya ng News and Public Affairs ng GMA-7 para sa isang show na magpapakita ng other side ng sexy comedienne.

“Hindi ako makapaniwalang pagkakatiwalaan ako ng News and Public Affairs. Seryosong pagbabalita na ito. Sana mabigyan ko ng justice ang pagtitiwalang ibinigay nila sa akin,” pahayag ng love interest ni Sen. Bong Revilla sa Hokus Pokus to the Highest Level.

Ayaw pang sabihin ni Rufa Mae kung anong klase ng programa ito. This week, tutulak daw siya ng Brunei para i-tape ang kauna-unahang episode ng show.

Samantala, kahit may bago siyang programa, hindi pa rin daw lalayasan ng komedyana ang sitcom nila ng mister ni Lani Mercado.

Speaking of Lani, nakausap namin siya sa taping ng HP sa Filmex Studios sa Makati kamakailan.

Pinagdiinan niyang hindi siya martir na asawa. Naiintindihan daw niya ang mister.

“Hindi ako martir. May anak na rin naman kami nu’ng ipagtapat ni Bong na may anak siya sa ibang babae. Inunawa ko na lang siya. Hindi mo rin naman siya masisisi kung ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya,” ani Lani.

Alam daw niya kung sinu-sino ang mga nali-link sa asawa. Pero, naging praktikal na lang daw siya dahil may pinagmanahan naman ito. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites