<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, April 13, 2007

Vic Sotto prepares for movie with Comedy King Dolphy

HINDI pa nakakapagsimula ng shoot ng bagong movie si Vic Sotto, most especially the project na gagawin niya with Comedy King Dolphy. May konting problema raw sila sa schedule pero hopefully, pagkatapos ng election, ay maaari na silang magsimula ng shoot. Busy daw kasi ang maraming tao ngayong election period kaya hindi agad mahaharap ang trabaho.

Ginawang TV series ng GMA Netrwork ang Fantastik Man (the series is being topbilled by Mark Herras and star airing on Saturday) ni Vic at ayon sa kanya, very flattering ang move na ito ng GMA 7 na isalin sa TV ang isa sa kanyang box-office hit movies.

“It’s an original story of ours and the fact that it was considered by a major network para isalin sa telebisyon ay malaking karangalan,” sabi ni Bossing Vic.

Nagpaalam naman daw ang Kapuso Network sa kanya sa plano nilang ito. May consent daw sa kanya ito and in fact, may ginawa siyang short plug para rito. Bahala na raw ang mga writer ng Fantastic Man kung may gusto silang baguhin sa orihinal na kuwento.

For a few weeks ay naging laman ng mga tabloid ang iba’t ibang members ng Eat Bulaga na may isyung dapat harapin, tulad nina Teri Onor at Gladys Guevara. Ayon kay Vic, ‘yung mga personal na problema ng kanilang mga kasama sa programa ay hindi raw nila pinapansin. Hindi raw ito nakakaapekto sa kanilang show.

“Basta nasa Broadway kami, we are one big, happy family. Kung kailangan ng tulong, tutulungan namin. Kung hindi naman, kani-kanyang personal na problema na ‘yan. Basta trabaho, trabaho lang,” sabi pa ni Bossing Vic.

Tungkol naman sa muling pagtakbo ng kapatid niyang si Tito Sotto bilang senador sa Team Unity ticket, pinakinggan daw niya ang mga rason ni Tito and personally, valid daw ang reasons ni Tito kung bakit ito sumama sa Team Unity ticket.

Expected na raw nila na may babatikos sa naging desisyon ni Tito pero more than sa mga batikos, dapat din daw tingnan kung ano ba ang nasa likod ng mga batikos na ‘yon.

“Basta ako, nananiwala ako sa kapatid ko bilang tagagawa ng batas. Hindi lang siya mahilig sa press release pero mababasa mo ang libro tungkol sa mga batas na nagawa niya, malalaman mo na marami naman pala siyang nagawa,” pahayag pa ni Vic. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites