<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, May 11, 2007

Angel Locsin endorses Manny Villar and Koko Pimentel

Puyat-puyatan si Angel Locsin dahil umaga na siyang natapos sa taping ng Asian Treasures pero dumating pa rin siya sa pa-luncheon ni Sen. Manny Villar kahapon nang tanghali sa Teriyaki Boy sa Starmall EDSA.

Seryoso ang sagot sa amin ni Angel nang tanungin namin kung bakit niya napiling suportahan ang isang katulad ni senatoriable Manny Villar.

"Kasi, parang bilang isang artista, nasanay akong laging neutral lang, eh! Kailangan safe ‘yung mga ginagawa ko sa buhay.

"Ngayong eleksyon, gusto ko naman na meron akong papanigan na tama. Kaya pinili ko itong isang tao na alam kong makatutulong sa bayan natin.

"Hindi ito dahil sa pera kundi para sa kinabukasan ko, sa magiging pamilya ko, sa magiging anak ko at sa ikabubuti ng bayan natin," bulalas ng dalaga, na ang ganda pa rin kahit kulang sa tulog.

Dagdag niya pa, "Kasi siyempre, kaming mga artista, public figure kami, eh! Role model kami. So, gusto kong hikayatin ang mga kabataan na makisangkot at mangialam sa susunod na eleksyon.

"Maging responsable tayo. Bumoto tayo nang tama. Huwag tayong magpapabili o magwawalang-bahala. Kasi, sayang ‘yung isang boto natin!"

Ani Angel, sa Caloocan siya nakarehistro kaya roon siya boboto sa Mayo 14. Inisa-isa niya sa amin ang mga rason kung bakit niya ineendorso si Senador Manny.

"Unang-una, malinis ang record niya. Pangalawa, ‘yung lifestory niya na galing sa hirap at nagtiyaga, parang nakaka-relate ako roon, ‘di ba?

"Dapat ganu’n tayong mga Pinoy para gumanda ang kinabukasan natin.

"Pangatlo, honest siya. Kailangan natin ng taong honest sa Senado at sa pulitika. Kasi, ang hirap kung hindi natin pinagkakatiwalaan ‘yung namumuno sa atin.

"At isa pa, nandu’n ‘yung concern niya sa mga kababaihan. May ginawa siyang batas para sa mga babae. Ako, sinusuportahan ko ‘yon. Active ako sa GABRIELA ngayon, ‘di ba? Ako ‘yung taong may pakialam sa mga kapwa ko babae!

"Kaya gusto kong sabihin sa mga tao na si Sen. Manny Villar, napakabait na tao, mabuting ama, mabuting asawa. Magandang role model. Kasi, galing sa hirap, tapos nakita naman natin kung nasaan na siya ngayon, ‘di ba?" dayalog pa niya.

***

Tinawanan lang ni Angel ‘yung bali-balita na bahay at lupa umano ang kapalit ng pag-eendorso niyang ‘yon sa butihing senador.

"Sana nga po! Ha! Ha! Ha!

"Hindi po. Bumili lang po ako ng lupa sa Tagaytay, sa Crown Asia, at binigyan niya po ako ng discount. Matagal ko nang tinitingnan-tingnan ‘yon. Tapos, nalaman ko na lang na sila pala ‘yung developer.

"Ganu’n lang po ‘yon. At saka lupa lang po ‘yon, wala pang bahay!" eskplika niya.

Ang sabi-sabi, ‘yung bagong bili niyang sasakyan na Hummer ay bigay naman ng isa pa niyang ineendorsong senatoriable na si Koko Pimentel…

"Ay nako, sana nga po! Si Koko po, kamag-anak ko. Super ‘for the love of’ lang po ‘yon. Kasi, siyempre po pamilya ko. Mahal ko ang pamilya ko kaya sinusuportahan ko…

"Sana nga po, binibigyan na lang ako para hindi nababawasan ‘yung savings ko! Ha! Ha! Ha! Pero pinaghirapan ko po ‘yon talaga. Binayaran ko po ‘yon (Hummer) nang cash!" pakli niya.

Pinagdiinan ni Angel na hindi totoong ‘katas ng eleksyon’ ang kanyang lupa sa Tagaytay at Hummer (isang uri ng mamahaling sport utility vehicle na nasa P5M o higit pa ang presyo).

"Hindi po sa pagyayabang, pero ang ineendorso ko pong produkto eh, 14! ‘Yun po ‘yung may kontrata ako ngayon, iba pa po ‘yung mga dati na hindi na nag-e-exist ang kontrata.

"So, lahat po ‘yon, pinaghihirapan ko. At para sa akin, bayan muna bago pera!" mataginting na bulalas niya.

Nabanggit din ni Angel na siya na ang personal na humahawak ng finances niya, pero may guidance pa rin mula sa kanyang ama, ate at manager na si Becky Aguila.

Noon ay nagkaroon sila ng isyu sa pera ni Becky pero ngayon daw ay maayos na ang lahat at wala na silang problema. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites