<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, May 29, 2007

Aram Mina, handang harapin sina Jomari-Pops

THRU fellow EnPress member, Archie de Calma, tinanggap namin ang imbitasyon ni daddy Ernie de la Cruz, ama ng aktres na si Angelika, owner ng sikat na Starz Comedy Bar sa Malabon City few days ago.

Nang gabing ‘yon, special guest si Ara sa naturang comedy bar. Mula sa taping niya ng Lupin sa Bataan ay tumuloy na si Ara sa Malabon. At bago pa siya sumampa sa entablado, kinausap na namin ang dalaga.

Sabi niya, wala pa raw siyang panahon para muling buksan ang kanyang puso sa isang bagong mangingibig. Maituturing pa ring failed relationship ang katatapos lang na relasyon niya kay Polo Ravales.

Pero, wala raw siyang pinagsisisihan na tinanggap niya ang aktor bilang suitor. Mas okay na raw sila ni Polo ngayon kaysa nu’ng bago pa lang silang maghiwalay. Naging bahagi rin nga si Po-lo sa kampanya ng daddy Chuck Mathay niya during the last elections.

Pero, mas pinag-uusapan ngayon ang muling pagkikita nila ng dating ex-boyfriend na si Jomari Yllana. Naganap nga ang lahat sa kampanya sa Parañaque sa utol nitong si Anjo who, sadly, didn’t get the mandate of the people bilang Bise Alkalde ng Parañaque.

Napagkamalan pa nga raw siyang si Pops Fernandez, ang current girlfriend ng kanyang ‘ex.’

“Surprise bale ako para kay Anjo, kaya pag-akyat ko ng stage, itinakip ni Jom ‘yung polo niyang pula sa ulo ko. Habang papunta kami sa stage, may sumisigaw pa nga sa aking ‘Pops! Pops!’ Akala nila ako si Pops.

Natatawa na nga lang ako at hinahampas ko si Jom,” nakangiting kuwento ng aktres.

Aaminin ba ni Ara na may kilig pa rin ang muli nilang pagkikita ng dating boyfriend?
“Wala naman,” mabilis na sagot niya. “Parang bumalik lang ‘yong dati naming friendship.

“Hindi ko maipaliwanag ‘yung feeling. Natatawa kasi ako sa reaction ng mga tao. Feeling ko, para kaming sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. ‘Yung mga tao ang kinikilig, hindi ako.”

Now that everything is okay sa kanila ni Jom at kaibigan din naman niya si Pops, handa na ba siyang tumanggap ng movie offer na silang tatlo ang magkakasama sa pelikula?

“Why not? Go!” hagikhik ni Ara. “Wala namang problema sa amin ni Pops. ‘Yung sa amin ni Jomari, naayos na namin kung anumang problema meron kami dati. “Okay na ang lahat. At saka nagkaroon na rin naman ako ng boyfriend after Jom kaya okay lang saka-ling magsama kaming tatlo sa isang project.

Exciting ‘yan!” pahabol na wika pa ni Ara.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites