<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, May 25, 2007

Mark Herras, pahinga sa lovelife

KUNG si Mark Herras ang tatanungin, wala raw muna siyang romantic involvement kahit kanino. Papahinga muna ba ang kanyang puso? Sabi ni Mark, mas gusto raw muna niyang magkonsentreyt o i-focus ang kanyang sarili sa mga trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ngayon.

Natutuwa naman ang mga taong nakapaligid kay Mark sa napansin nilang pagbabago sa aktor. Tila mas agresibo raw ito ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Laking pasasalamat din ng first StarStruck ultimate male survivor dahil sa kanya ipinagkatiwala ng GMA Network ang lead role sa seryeng Fantastic Man.

At tinatapos din niya ang Tiyanak para sa Regal Entertainment kasama ang ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Kung may mga intrigang dumarating, deadma na raw muna kay Mark. Hindi na raw niya ito pinapansin.

“I don’t allow intrigues in my personal life get into my work,” sambit ng bida ng Fantastic Man, sa isang interview sa kanya. Alam daw ni Mark na bahagi ito ng trabahong pinasok niya.

“What is important to me now is may trabaho ako and I’m enjoying my work. Ang daming blessings na dumarating sa akin ngayon na dapat kong ipagpasalamat,” dagdag paliwanag pa ng aktor.

Samantala, this week on Fantastic Man. Nahadlangan ni Fantastic Man ang masamang balak ni Budol (Keempee de Leon). Pero nakatakas pa rin ito at mukhang may binubuo ulit na plano.

Pumayag naman kaya si Budol sa alok ni Tadtad na makipagsanib-pwersa sa kanya laban kay Fantastic Man? Ano nga ba ang balak ni Tadtad at bakit siya ang kalabang mukhang dapat paghandaan ng ating superhero?

Lalo ring titindi ang damdamin ni Fredo kay Helen. Na ikinababagabag ni Wena (Ryza Cenon). Pero nang mapasama sina Fredo (Mark) at Helen (Jackie Rice) sa Santacruzan, mapipilitan si Fredo na unahin ang kanyang tungkulin kaysa sa babaeng kanyang napupusuan.

Isa na namang maaksiyong Sabado sa seryeng inaabangan ng bayan, ang Fantastic Man na mapapanood pagkatapos ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales. Mula pa rin sa direksyon ni Zoren Legaspi.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites