<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, May 29, 2007

Polo Ravales, napasubo kay Diana

Buung-buo ang loob ni Polo Ravales ngayong sumabak na siya sa paghuhubad sa pelikula kaya wala siyang keber sa maseselang eksena nila sa Silip nina Diana Zubiri at Francine Prieto.

Ayon kay Polo, naniniwala siyang handa na siyang ilunsad bilang isang sexy dramatic actor. Bukod sa maganda ang project at magaling ang kanyang co-stars at direktor sa Silip, naging malakas aniya ang impact ng kanyang sexy billboards para sa Folded & Hung at positibo rin ang resulta ng stage musical na Penis Talks kung saan una siyang nagpaseksi.

Napansin ang akting niya sa digifilm na Roomboy (2005) pero hindi siya naghubad doon. Dito sa Silip siya tumodo sa pagpapaseksi dahil hubad kung hubad siya rito at plaster lang ang nakatakip sa kanyang ‘nota.’

Kuwento ni Polo, mga tatlong beses siyang nagpakita ng puwet sa pelikula. Dati ay medyo naiilang pa siyang maghubad pero ngayon ay parang nasanay na raw siya.

Okey sa kanya ang magpakita ng kanyang harapan sa pelikula kung si Direk Joel Lamangan din ang magdidirek katulad nitong Silip.

"Sabi ko nga kay direk, bakit walang frontal? Gusto ko, may frontal!" nakangiting sey ni Polo, na seryoso raw sa pagpu-frontal kaya lang ay hindi siya sure kung palulusutin ‘yon ng MTRCB.

Sa Silip ay nagdusa si Polo sa kalalagay ng plaster sa kanyang harapan.

Sakit na sakit daw siya sa tuwing tatanggalin niya ito kaya pagtagal-tagal ay ayaw na niyang maglagay plaster. Buti na lang at tapos na palang kunan ang mga eksenang kailangan niyang maghubad.

Aniya, tinatapalan ng parang stockings ang nota niya mula sa dulo ng kanyang balls saka nilalagyan ng surgical tape na skintone para hindi halata.

May time daw na hindi niya ito matanggal-tanggal at hanggang sa pag-uwi niya ay may nakadikit pa sa pubic hair niya dahil hindi siya nag-ahit.

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nag-plaster na siya mismo ang tagalagay at tagaalis.

Sa isang love scene nila ni Francine ay nabasa ang suot niyang plaster dahil mainit at sobra silang pinawisan at konti lang ang inilagay niya.

Feeling niya ay may nakita si Francine nang matanggal ang plaster at umalpas ang kanyang ‘bird’.

Okey lang daw ‘yon dahil si Francine ay hubo’t hubad din at saka lalake naman siya. Aminado si Polo na may time na hindi siya naa-arouse dahil ang iniisip niya ay ‘yung blocking nila, pero may time din na naeelya-elya siya sa maiinit na eksena dahil tao lang siya.

Anong reaksyon niya ngayong nasilipan niya ang dalawang kapareha niya?

"Basta ang masasabi ko, flawless silang dalawa at ang seseksi talaga! Maputi si Francine at makinis si Diana. Hindi ko sinadyang tingnan, napatingin lang ako sa ibaba nila! Ha! Ha! Ha!

"Ang suwerte ko, di ba? Kinukuwento ko nga sa friends ko na sila ‘yung kapartner ko, eh! Minumura nila ako sa sobrang inggit nila! ‘Hayup ka, Polo!’ Gumaganu’n sila. Ha! Ha! Ha!" tawa pa niya.

Isang ikinaelya ni Polo ay nu’ng utusan siya ni Direk Joel na hawakan ang puwet ni Diana sa isang love scene nila dahil kailangan daw magmukhang manyak sa nasabing eksena.

Nagpaalam muna siya kay Diana kung okey lang at pumayag naman ito. Kaya sa eksenang nakaupo siya at nakatayo si Diana habang nagdyudyug sila ay totoo aniyang hawak-hawak niya at pinipisil-pisil ang matatambok na puwet ni Diana.

Hindi lang ‘yon, pati ang malulusog na dibdib ni Diana ay hinawak-hawakan niya rin kaya malinaw na nagpasasa siya sa katawan ng dalawa.

"Sila nga ang nagpasasa sa akin, eh! Ha! Ha! Ha!"

Isa pang hindi makalilimutang eksena ni Polo sa Silip ay nu’ng ipasubo sa kanya ni Direk Joel ang mga daliri sa kamay ni Diana.

Ani Polo, sa totoong buhay niya lang ginagawa ang gano’n kaya medyo nabigla siya sa inutos ni direk. Sa girlfriend niya lang daw ginagawa ‘yon.

Minsan ay trip niya rin daw isubo ang mga daliri sa paa ng nobya niya kapag nagtatalik sila.

Natawa lang si Polo nu’ng tanungin namin kung ginagawa ba niya noon ang gano’n sa ex-girlfriend niyang si Ara Mina.

Si Diana ba ay may isinubo ring bahagi ng katawan niya?

"Ah, wala! Bawal ‘yon, bawal! Ha! Ha! Ha!" pilyong halakhak pa ni Polo.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites