<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, May 29, 2007

Regine, Ogie naglaplapan sa concert

ILANG araw bago sumabog ang pag-amin nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez sa kanilang tunay na relasyon, halos humagulgol si Regine sa presscon ng kanyang Pinoy Pop Superstar show na aired sa GMA- 7.

Dito naging emotional ang singer-actress at napaiyak nga ito sa harap ng press, na hindi napigilan ang magtanong tungkol sa personal nitong buhay, specfically ang paghiwalay ni Ogie sa asawa nitong si Michelle van Eimerenn, at si Regine na nga ang bagong ‘love’ ng singer-comedian-host-composer na si Ogie.

Inamin ni Regine na natatakot siya at baka sa pagkakabulgar ng relasyon nila ni Ogie ay ma-judge na naman siya ng publiko, marahil tulad ng nangyari sa kanya nu’ng na-link siya kay Ariel Rivera na, at that time, ay romantically linked din kay Gellie de Belen na tuluyan nitong napangasawa.

“I’m very scared of what will people say and that I will be judged again,” say ng seryosong si Regine.

“This thing is very important to me. This is the only relationship I have!” umiiyak na chika ni Regine na may karapatan din namang magmahal, so let’s give it to her this time.

* * *
SAMANTALA, just last Saturday, May 26, nag-concert si Ogie Alcasid sa Music Museum, titled Ogie In The Sitti at siyempre pa, hindi puwedeng wala roon ang babae sa puso ng alagang ito ni Leo Dominguez.

Matagal nang kasado ang concert and alam marahil ng bagong ‘sweethearts’ na pagdating ng concert day, eh, lalabas na ang kanilang official statement, and nauna na nga sa magazine stands ang paglabas ng June issue ng Yes magazine kung saan isiniwalat ni Ogie ang lahat-lahat ng matagal na pala nilang lihim (mga almost 3 years?) na relasyon.

Nasa audience ng Music Museum si Regine, na full-support sa dyowa.

Ang nakaloloka ay hindi na rin nila itinatago ang kanilang feelings sa isa’t isa.

Naganap sa said concert ang very first public kiss nina Ogie and Regine, nang mula sa stage, eh, bumaba si Ogie sa audience, nilapitan si Regine, and ni-lips-to-lips nito ang minamahal na girl ng dalawang beses. At ang Ogie, aliw na aliw at larawan ng isang inspired na singer on-stage at nagawa pa nitong bumanat ng nakatutuwang punch-lines.

“Gusto n’yo ba ng tsismis? Walang tsismis ngayon dito... Puro totoo lang po ang nakikita ninyo,” pagmamalaki pa ni Ogie sa audience.

Pero, ‘yung nabalitang gagawa raw agad ng movie ang dalawa under GMA Films ngayong October, we think na hindi muna ito dapat ituloy.

Knowing the Filipinos, malamang na mag-oobserba pa tayo sa mga susunod na mangyayari, lalo na ang balitang kumusta naman ang hiniwalayang asawa ni Ogie na si Michelle, na kahit kami’y type naming marinig ang side niya of the story.

May matapang kayang talk-show na makakakuha ng side o reaction naman ni Michelle from abroad sa Ogie-Regine romance?

* * *
BY the way, speaking of Regine, magi-guest siya sa SIS this noon with leadingman sa movie Paano Kita Iibigin? na si Piolo Pascual. Aawitin nila together ang kanilang theme song sa said movie.

Source.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites