<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, May 22, 2007

Regine Velasquez lumuha

Nawala sa isip namin na si Miss Regine Velasquez ang host ng Pinoy Pop Superstar kaya nagulat kami nang tumambad si Regine sa harap namin kahapon sa press launch ng grand finalists sa paligsahan.

Aware si Regine sa rebelasyon nu’ng Linggo sa Showbiz Central tungkol sa hiwalayan ni Ogie Alcasid at asawa nitong si Michelle van Eimeren.

Inamin ni Ogie sa magasing YES ang pagmamahal niya kay Regine.

Sa maikling pananalita ni Regine tungkol sa isyu ay napaluha siya nang magpasalamat sa press people na naintindihan ang kalagayan niya tungkol sa isyu.

Gaya ng sinabi namin ay mature na ang mga tao sa mga ganitong sitwasyon. Maging ang mga manang ay naiintindihan na ang ganitong senaryo.

Ang mahalaga ay wala na sina Michelle at Ogie, at buong ningning na isinisigaw ni Ogie ang pagmamahal niya kay Regine.

Sa nakikita namin ay maganda ang relasyon nila kahit hindi pa sila nagsasama sa isang bubong.

Madalas naming nakikita sina Regine at Ogie at maganda ang aura nila. Mukhang magtatagal ang dalawang ito, na pareho ang propesyon at may chemistry.

Magkatuwang sila sa negosyo at mukhang pinaghahandaan nila ang kanilang future.

Wala kaming nakikitang magiging negative effect ng rebelasyong ito sa pelikula nina Regine at Piolo Pascual na Paano Kita Iibigin.

Alam ng lahat na walang romansang nagaganap kina Regine at Piolo.

Bukod sa box office appeal nina Regine at Piolo, sa magandang kuwento at kung paano ginawa ng director ay maeenganyo ang mga manonood sa kanilang pelikula. Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites