<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, May 20, 2007

Rhian Ramos, kuya ang tingin kay Polo Ravales

Natsika-tsika namin si Rhian Ramos sa VIP/press screening ng Shrek the Third nu’ng Huwebes nang gabi sa Gateway Cineplex.

Agad naming pinalinaw kay Rhian ‘yung bali-balita na nililigawan daw siya ni Polo Ravales. Ang tsika pa ay nagpaalam daw si Polo sa ka-loveteam ni Rhian sa Lupin na si Richard Gutierrez kung okey lang na pormahan nito ang dalaga.

Natatawa kaming sinagot ni Rhian na hindi raw totoo ‘yon dahil walang ligawang nagaganap sa kanila ni Polo. Paliwanag niya pa, na-meet niya si Polo nu’ng gagawin niya supposedly ang Super Noypi kung saan magkapatid dapat sila ni Polo sa istorya.

Hindi natuloy sa movie si Rhian at napunta ang role niya kay Sandara Park pero mula raw noon ay parang naging ‘kuya’ na ang tingin niya kay Polo.

Ngayong magkasama sila sa Lupin, funny at guwapo raw ang dating sa kanya ni Polo pero hindi pa raw siya interesadong magka-boyfriend kahit alam niyang break na ito at si Ara Mina.

Doon sa isyung nahuli raw silang nagdi-date ng bagets star na si PJ Valerio, ang paliwanag ni Rhian ay nagkikita lang daw sila ni PJ kapag nagpupunta siya sa Sir George Salon sa may Timog Av., QC.

Pareho raw nilang sponsor ‘yon ni PJ at kapag nagkakasabay sila sa nasabing salon ay lumalapit sa kanya palagi si PJ para magpapiktyur.

Sobrang hilig daw magpakuha ng picture ni PJ ‘pag nagkikita sila, pero itinanggi niyang lumabas sila o nag-date.

Sey ni Rhian, 16 y/o pa lang siya kaya ayaw niya pang magpaligaw. Bawal din daw siyang mag-BF dahil baka patayin siya ng mommy niya.

Hindi raw sa mukha siyang pera, pero mas interesado siya sa kanyang trabaho kesa sa lovelife. Isa pa, ang type niya raw sa guys ay ‘yung moreno, hindi niya masyadong bet ang mga tisoy na boylet.

Nang magpabanggit kami sa kanya ng example ng dark guys na type niya sa showbiz, walang maisip si Rhian at humingi pa siya ng tulong sa handler niya.

Nang banggitin nito ang pangalang Dominic Roco (isa sa kambal na anak ng aktor na si Bembol Roco) ay nagdayalog si Rhian ng, "Yeah, Dominic is cute!"

Bukod sa hindi ito tisoy ay magka-edad lang daw sila ng bagets na si Dominic.

Kahit medyo na-late siya sa screening ng Shrek the Third ay sobrang nag-enjoy daw si Rhian sa pelikula na ang description niya ay ‘laugh trip’ dahil wala raw siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa! Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites