<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, May 31, 2007

Sunshine Garcia, no time for love life

WALANG panahon sa love life si Sunshine Garcia ng Sex Bomb.

Ito ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya ng kanyang 22-year-old boyfriend na nursing student.

Ani Sunshine: “Wala na raw akong panahon sa dati kong boyfriend kaya kami nagkalabuan at nagkahiwalay. Kahit masakit ang loob ko noon ay natanggap ko. Mas mahalaga sa akin ang aking natagpuang career sa showbiz, ang pagiging artista at dancer ng grupong Sex Bomb.”

Na-meet namin si Sunshine sa taping ng Magpakailanman, na ipapalabas ngayong Thursday. Istorya ito ng buhay ni Caridad Sanchez (gagampanan ni Pauleen Luna) na hindi su-muko sa pag-aartista para patunayan niya sa kanyang sarili na siya’y isang actress na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa pag-arte.

Si Sunshine ay bilang kaibigan ni Caridad Pauleen na kasa-kasama niya sa pagaa-audition sa mga studio para mag-artista noong araw.

Ani Sunshine: “Good example sa akin si Tita Caridad. Kasi, talagang nagsikap siyang magkapangalan sa showbiz kahit na ang uso no-ong araw ay mga mestisang artista.”

Sa ngayon ay busy si Sunshine sa Daisy Siete na ang taping ay three times a week (Tuesday, Wednesday, Thursday) sa Caliraya Lake, Laguna. At nasa Eat Bulaga rin ang Sex Bomb tuwing Monday and Friday.

Ani Sunshine: “May taping pa kami tuwing Saturday or Friday para sa Tok Tok Tok. Tuwing Sunday ay madalas nasa SOP kami. Kung walang schedule sa GMA-7 ay may personal appearances kami. Tulad noong elections ay sagad-sagad ang schedules namin.”

Hindi naman pala lahat ng Sex Bomb ay busy talaga. Kaya may ilang grupo na madalas mag-ikut-ikot sa iba’t ibang lugar para mag-show. ‘Yung iba nama’y nagpupunta sa Japan.

Pagkatapos nina Weng, na nagpakasal na sa isang American US Serviceman, at si Ivette na nakatakda na ring ikasal sa kanyang Pinoy boyfriend, wala pang alam si Sunshine na susunod na mag-aa-sawa sa grupo.

Aniya: “Panay lihiman kasi ang members ng kanilang lovelife kasi. Ako, malayo pa sa isip ko ang pag-aasawa dahil 21 lang ang edad ko ngayon. Gusto ko pang magtagal sa showbiz.”

Sa mga role na ginagampanan niya, hindi raw niya gusto ang maging kontrabida. Kaya lang ito ang ibinibigay sa kanya kaya wala siyang magawa.

Aniya: “Hindi ko naman alam na mag-aartista pala ako. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na mag-showbiz. Lumaban lang ako sa Eat Bulaga dancing contest noon, Iyun na ang simula ng bago kong daigdig, ang showbiz.”

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites