<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 15, 2007

Angel Locsin on Angels

Sa presscon ng pelikulang Angels kahapon ay nilinaw ni Angel Locsin na hindi siya suwail na talent ng GMA 7.

Hindi rin daw siya nagmamalaki na sa Siyete kaya tinanggihan niyang magbida sa Philippine version ng telenobelang Marimar.

Talaga lang daw kailangan niyang magpunta sa London para mag-aral sa isang fashion school doon dahil sa isang business na may kinalaman sa damit na sisimulan na niya sa Agosto kung saan ay kasosyo niya ang isang anak ng tycoon na si Lucio Tan.

"Hindi naman porke hindi ako pumuwede sa Marimar eh suwail na ako sa GMA 7, na wala na akong utang na loob sa kanila. Hindi naman ganoon.

"Kailangan ko lang magpunta ng London dahil mag-aaral ako ng fashion design doon para sa business na bubuksan ko by August.

"Lima ‘yung shows na sunud-sunod kong ginawa, kaya nag-ask ako this time ng pahinga. Alam ko na nauunawaan ako ng GMA 7 management," pahayag ni Angel.

Hindi rin daw gimik ang kanyang pag-alis.

"Totoo po na aalis ako. Hindi na rin po ako ang gaganap sa Marimar. I heard na si Marian (Rivera) na and I’m really happy for her.

"Hindi po ako nanghihinayang sa Marimar dahil kagustuhan ko po ang mag-aral muna sa London. Saka hindi po pwedeng lahat na lang ng projects, eh, sa akin. Saka bagay naman po kay Marian ‘yung Marimar," sabi pa ng young actress.

Thankful si Angel kay Richard Gutierrez dahil noong Linggo ay iprinomote ng binata sa S.O.P. Rules ang Angels.

Tungkol sa kanilang dalawa ni Marvin Agustin, lumalabas-labas daw sila at special sila sa isa’t isa, pero wala raw silang relasyon.

"Ni hindi nanliligaw si Marvin sa akin, pero hindi ko siya tinatanong kung bakit, ha!

"Basta, malapit kami sa isa’t isa," sabi pa ni Angel.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites