<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, June 17, 2007

Dennis Trillo "I am not the father of that child!"

Isang kaibigan namin na malapit kay Dennis Trillo ang tumawag sa aktor para kunin ang reaksyon nito hinggil sa pagdadalantao ngayon ng rumored girlfriend nitong si Carlene Aguilar.

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Dennis tungkol sa isyu pero nang tanungin siya ng kaibigan namin kung siya ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Carlene ay deretsahan itong itinanggi ng aktor.

"If Carlene is pregnant, I am not the father of that child!" ang eksaktong dayalog daw ni Dennis.

Idinagdag pa ng aktor na matagal na niyang hindi pinakikialaman si Carlene kaya wala siyang kinalaman sa kasalukuyang sitwasyon nito.

May paalala ang kaibigan namin kay Dennis. Sana raw ay totoo ang ginawang pagde-deny nito at hindi ito katulad ng ibang artista na nagde-deny sa simula pero pagtagal-tagal ay aamin din.

Dapat aniya ay pangatawanan ni Dennis na hindi siya ang ama ng anak ni Carlene at kailanman ay huwag niyang babawiin ang pahayag niyang ‘yon kundi’y masisira ang kredibilidad ng aktor.

Nu’ng Pebrero ng taong ito unang umugong ang balitang buntis ang 2005 Bb. Pilipinas-World na si Carlene nang makita itong namimili ng maternity dress.

Nu’ng Marso sa launch ng debut album ni Dennis sa Virgin Café ay napikon si Dennis nang kulit-kulitin namin tungkol sa preggy issue kay Carlene.

Napansin naming tila hindi alam ni Dennis kung anong isasagot sa amin. Aniya, hindi niya ito nakakausap at hindi niya alam kung buntis ito.

Sa 28th birthday ni Dennis nu’ng Mayo 12 sa Barrakz bar ay muli naming inusisa sa kanya ang kanyang rumored girlfriend.

Sabi niya, out-of-town ito kaya wala sa party niya pero tumawag na raw ito sa kanya para bumati ng happy birthday. Nabanggit din niya sa amin na nakikita niya si Carlene at hindi naman daw ito buntis.

Nitong katapusan ng Mayo ay nakita ng GMA-7 reporter na si Lhar Santiago sa Los Angeles, California si Carlene na malaki ang tiyan at agad nitong inamin na siya ay anim na buwang buntis.

Mabilis ding sinabi ng 25-anyos na si Carlene kay Kuya Lhar na hindi si Dennis ang ama ng kanyang ipinagbubuntis kundi isang Chinese businessman daw na hindi nito pinangalanan.

Kami mismo ay tila hirap paniwalaan ito dahil sa pagkakaalam namin, inililihim lang nina Dennis at Carlene ang kanilang relasyon (na nagsimula noon pang kapwa sila talent ng ABS-CBN) pero never silang nag-break bilang magsyota.

May dugong Chinese si Dennis (Abelardo Dennis Florencio Ho ang tunay nitong pangalan) at ang alam namin ay may business ang kanyang pamilya.

Siguro nga ay hindi siya ang tinutukoy ni Carlene dahil malinaw ang linya niyang, "I am not the father of that child!"

Father’s Day ngayong araw na ito at wish namin na sana nga’y hindi si Dennis ang ama ng nasabing bata dahil lubhang napakasakit na itanggi ka ng sarili mong ama!

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites