<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, June 24, 2007

Dingdong at Karylle, matatag ang relasyon

Ngayong nasubukan na ni Dingdong Dantes ang makapagdirek ng pelikula (sa isang episode ng Angels) ay looking forward siya sa movie projects na gagawin niya pa in the future.

Bago sumabak magdirek sa big screen ay nakapagdirek si Dingdong ng mga episode ng GMA shows na Kakabakaba, ‘Wag Kang Kukurap, Encantadia at Atlantika. Graduate siya ng Film and Production sa Ateneo.

Kung siya ang tatanungin ay gusto niya ring maidirek sa pelikula ang girlfriend niyang si Karylle na feeling niya ay bagay sa isang musical film.

Ayaw niya na may kissing scene si Karylle pero okey lang kung siya ang leading man.

Full-support si Kaye (tawag niya sa kanyang GF) sa first directorial job niya. Madalas itong dumalaw noon sa set ng Angels at kinokonsulta niya rin ito kung paano ang gagawing atake sa mga kukunang eksena.

Tinawanan lang ni Dingdong ‘yung tsika na nag-break na sila ni Karylle. Going strong pa rin daw ang kanilang relasyon na nag-2 years na nu’ng Abril 3.

Kahit nagdidirek na siya ay mas gusto pa rin ng binata ang acting lalo na ngayon na nasa edad daw siya na masarap i-explore ang iba’t ibang roles.

"Ang directing kasi, ‘pag tumanda ka, mas magiging magaling ka pang magdirek ‘pag marami ka nang experiences sa pagiging artista at sa buhay dahil magagamit mo ang mga ‘yon bilang direktor," dayalog niya.

May nakapagsabi kay Dingdong na kasama siya sa 2007 MMFF entry na Resiklo pero hindi pa siya sure hangga’t hindi pa siya nagsu-shooting.

Kakampi ng bidang si Bong Revilla ang alam niyang magiging role niya rito, na more or less ay alam na niya ang istorya dahil noon pa pala nila napag-uusapan ni Direk Mark Reyes ang nasabing proyekto.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites