<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, June 20, 2007

Dingdong Dantes, wala raw kakasyang trunks

Isa si Dingdong Dantes sa mga kumpirmadong kasama sa cast ng gagawing Pinoy version ng GMA 7 ng Mexican telenovela na Marimar.

Si Dingdong ang gaganap sa papel ni Sergio Santibañez, ang leading man ng bidang si Marimar. Hindi pa sure si Dingdong kung sino ang gaganap na Marimar, ang alam niya ay lalabas pa lang anytime soon ang resulta ng audition para sa nasabing papel.

Si Marian Rivera ang sinasabing pinakamatunog sa mga nag-audition kung saan kasama ang nobya ni Dingdong na si Karylle.

"Narinig ko rin na si Marian daw. Walang problema sa akin kung sinuman ang maging Marimar," sey ni Dingdong nang matsika namin siya sa kanyang solo presscon kamakalawa bilang direktor ng ‘Daddy’s Angel’ -- isa sa tatlong episodes ng pelikulang Angels.

Ang original choice diumano para gumanap na Marimar ay si Angel Locsin, pero dahil sa conflict sa schedule ay hindi nito tinanggap ang project. Ito sana ang first time na magtatambal sina Angel at Dingdong.

"Siyempre, hoping din ako na sana maging si Angel ang kapartner ko. Of course, nanghinayang ako because I was really expecting na magiging siya. Eh, hindi pala…" sey ng guwaping na young actor-director.

Na-disappoint ba siya na naunsyami ang pagsasama dapat nila ni Angel?

"Hindi naman. Kasi, nakasama ko na siya sa Angels, eh. Although hindi nga lang kami nagkatrabaho sa isang episode," aniya.

Ayon kay Dingdong, hindi niya napanood noon ang Marimar sa TV pero naikuwento na ito sa kanya ng mommy niya at ng mga kapatid niya na na-hook din noon sa nasabing telenovela na nagpasikat kay Thalia.

"Excited ako kasi, I really believe it will click," sey ni Dingdong.

"Kasi, presold na ‘yan, eh! Kumbaga sa karera, may plus na siya, di ba? Ang gagawin ng GMA is medyo modern ‘yung approach at hindi siya based doon sa hindi angkop sa kultura natin. Pinoy-based pa rin."

May nagsabi na rin daw kay Dingdong na laging nagpapa-sexy ang karakter niyang si Sergio, na ginampanan noon ng Mexican hunk na si Eduardo Capetillo.

Tanong namin sa kanya, willing din ba siyang magsuot ng swimming trunks tulad ng kanyang Mexican counterpart?

"Depende, ‘pag nag-shoot na kami at maganda ang itsura, go! Kung hindi, eh huwag," napapangiting sagot niya.

Sa edad niyang 26 y/o ay tila mas daring na si Dingdong. Sabi niya sa amin, payag na siyang magpa-sexy kung kailangan.

"Oo, pwede na. Kaya lang, walang kakasyang trunks sa akin, eh!" hirit niya, sabay tawa.

Talaga? Anong ibig niyang sabihin na walang kakasyang trunks sa kanya? Sobrang laki ba?

"Kasi, ‘yung waistline ko, malaki!" natatawang sagot niya.

Magpapaganda raw muna siya ng katawan para siguraduhing okey ang itsura niya at hindi siya mataba ‘pag nagsimula na ang Marimar, lalo na kung mapapasabak siya sa mga eksenang kailangan niyang magtanggal ng damit.

Sigurado ba siyang papayagan siya ng girlfriend niyang si Karylle na magsuot ng skimpy trunks?

"Siya na lang ang pumili ng trunks na susuotin ko para ‘pag dumating ‘yung pagkakataong ‘yon, walang sisihan," naka-smile na sagot niya.

Nanood daw si Dingdong nu’ng audition para sa Marimar role pero nakatago siya para huwag mailang ‘yung mga girls na karamihan ay naka-sexy outfit habang nagpe-perform.

Ani Dingdong, hindi dapat gawing big deal kung pinili man siya para sa leading man role samantalang sa bidang babae ay nagpa-audition pa ang Siyete.

Tama lang daw na magpa-audition dahil ‘yun ang pinakaimportanteng karakter sa teledrama at dapat makasiguro ang GMA sa pipiliin nila.

Excited din si Dingdong na makakatrabaho niya muli si Direk Joyce Bernal na nahawakan siya noon sa directorial debut nito na I’m Sorry My Love (1998) kasama sina Judy Ann Santos, Onemig Bondoc, Gladys Reyes at ang dati niyang nobyang si Antoinette Taus.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites