<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, June 15, 2007

Mark Herras umaming adik, pero...

NAPASYAL kami sa set ng Fantastic Man, pinagbibidahan ng kauna-unahang Starstruck ultimate male survivor sa Mariwasa sa Pasig City kamakailan lang. Medyo late na rin kaming nakarating sa set as per instructions na rin ng kaibigan naming executive producer na si Ms. Winnie Reyes- Holmes.

Late na rin kasing nakarating si Mark sa set dahil galing pa ang aktor sa taping ng Bubble Gang, ang longest-running gag show ng GMA Network, kung saan regular na rin siyang napapanood kasama sina Michael V, Ogie Alcasid, Ara Mina, Diana Zuburi, Maureen Larrazabal at marami pang iba.

Natutuwa si Mark dahil malakas ang palo sa rating game ng pinagbibidahan niyang fantaserye. Hindi daw niya ine-expect na ganu’n kataas ang rating ng Fantastic Man (airs every Saturday at 7 P.M.) pero malakas ang kutob niyang magugustuhan ito dahil pambata ang kanyang programa.

Nang araw na ‘yun, guest ang Super Twins na sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Hindi nga lang namin nakausap ang dalawa dahil tulog ang mga ito at pinabayaan na lang naming magpahinga.

At any rate, nakasentro nga kay Mark ang usapan. Kinalkal namin ang real score nila ng EB Babes na si Lian Paz. Itinanggi ng aktor na magsyota na sila. Nasa ligawan stage pa rin daw sila. Dahil nga sa sobrang hectic daw ng kanyang schedule kaya thru text na lang muna ang panliligaw niya.

Natutuwa rin si Mark dahil tanggap ng mga fans ang tambalan nilang dalawa ni Ryza Cenon ( Starstruck batch 2 ultimate female survivor), leading lady niya sa serye along with Jackie Rice, isa ring female ultimate survivor ng Starstruck batch 3.

Aniya, at least, na-prove raw niyang puwede rin siyang i-partner sa iba other than Jennylyn na na-ging girlfriend niya bago ito napunta kay Patrick Garcia.

Carry daw ni Mark ang isyung playboy siya. Pero ‘yung akusasyong he’s into drugs ay hinding-hindi raw niya matatanggap.

“Eh, ganito lang talaga ang pangangatawan ko,” sambit niya. “Ever since nu’ng nakilala ninyo ako, ganito na talaga ako. Hindi ako nangangayayat dahil sa drugs. Never akong nag-drugs.”
* * *
NAGUGULAT si Mark dahil “ginagawa” raw nila ang session sa isang Internet shop na matatagpuan along Morato St.

“Puwede bang mangyari ‘yun du’n eh, it’s a public place. Hindi lang kami ang andu’n. Marami kami. Iba’t ibang klase ng tao ang pumapasok sa lugar. Imposibleng mangyari ‘yung iniisyu nila sa akin,” paliwanag ng aktor na tila hinahabol din ng sari-saring intriga.

Paminsan-minsan lang daw nagpupunta si Mark sa naturang Internet shop. At makakapagpatunay daw nito ang scriptwriter at fellow columnist na si Dinno Erece who also frequent the place.

“Lagi ko siyang (referring to Dinno) nakakasabay sa Internet shop. Makapagpapatunay siya na walang session na nagaganap sa lugar. Takot lang naming masulat, noh?”

“Tinanong na rin nga ako ni ‘Nay Lolit (Solit, manager ni Mark) kung totoong nagda-drugs ako. Sabi ko sa kanya, eh, sana tuyot ako. Hindi ako tuyot, payat lang talaga ako. Actually, tinatawanan na lang namin ang issue tungkol sa drugs,” paliwanag pa ni Mark.

Iginiit ni Mark na talagang never pa niyang natikman ito. At wala raw siyang balak na subukan ito for curiosity sake.

“Ayoko namang sirain ang buhay ko,” aniya. “Siguro king maging curious man ako kung pariwara ang buhay ko. Pero bakit ko naman sasayangin ang pagkakataon ko sa showbiz? Minsan lang duma-ting ang ganitong pagkaka-taon so I might as well, make the most out of it.”

Yes, addicted nga si Mark! Aminado naman siyang addict siya sa online games. Kaya raw siya na-pupunta ng Internet shop dahil sa pagkaadik niya sa larong DotA (Defence of the Ancients) na kinababaliwan din ng iba pang kabataang katulad niya.

Pero bakit hindi na lang sa bahay niya gawin ang paglalaro kaysa pumupunta pa siya sa Internet shop?

“Iba ang feeling kapag may kalaro kang iba. May computer din naman ako sa bahay pero iba kapag kalaro mo ang mga kaibigan mong katulad nina Rainier Castillo at Gian Carlos. Sila lang naman ang mga nakakasama ko sa paglalaro. Mas exciting kapag may kalaro kaysa nag-iisa ka lang,” eksplinasyon pa ni Mark.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites