<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, June 26, 2007

Michelle Van Eimeren, kumumbinsi kina Regine at Ogie

Nag-cover si Lhar Santiago ng Love To Laugh concert nina Ogie Alcasid at Ai Ai de las Alas nu’ng Sabado sa Los Angeles, California, kung saan panauhin si Regine Velasquez.

Sobrang hit daw ang concert nila na kailangang magkaroon sila ng isa pang set para ma-accommodate ang lahat ng bumili ng tickets.

Type na type raw ng mga kababayan natin doon ang sweetness nina Ogie at Regine lalo na’t open na sila sa kanilang relasyon.

Sa interview ni Kuya Lhar sa magkasintahan, sinabi ni Regine na si Michelle Van Eimeren pa raw ang nagkumbinsi sa kanilang ilabas na ang katotohanan sa kanilang relasyon.

Ilang beses na raw palang nagkita sina Regine at Michelle dahil sumusunod daw si Regine sa Australia kapag dumadalaw roon si Ogie.

Maayos daw ang treatment ni Michelle kay Regine kaya lalong gumagaan daw ang kanilang loob lalo na’t wala na silang itinatago ngayon.

Ang dami na raw nagtatanong sa kanila tungkol sa kasalan pero hindi pa raw naayos ang mga papeles.

Tinatanong na rin sa kanila ang pagkakaroon ng baby pero hindi pa raw nila ito pinaplano sa ngayon.

Sa San Francisco ang susunod nilang concert at sold-out na rin daw ang tickets.

Mauuna si Regine sa pagbalik dito at susunod na lang daw si Ogie.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites