<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, June 28, 2007

Polo Ravales updates

Ang saya ng 25th birthday party ni Polo Ravales kamakalawa sa Guilly’s Island bar sa Tomas Morato Extension, QC.

Sabi sa amin ng birthday boy, ang wish niya ay magkaroon ng acting award (para kaya sa Silip?) at mabigyan ng big break ng GMA-7 dahil gusto raw niyang magkaroon ng lead role sa isa sa mga programa ng Kapuso network.

Wala raw girlfriend ngayon si Polo na okey lang sa kanya dahil happy raw siyang single.

As usual ay ang kikay-kikay ng ex-girlfriend ni Polo at kapatid niya sa kuwadra ni Direk Manny Valera na si Alessandra de Rossi.

Pagdating pa lang ay panay na ang patawa ni Alex, na gusto raw maging rockstar nang malamang may binuong bagong boygroup sina Polo.

Malutong na ‘Papi’ ang tawag ni Alex kay Polo. Sey nito, "Ang wish ko, sana tuluy-tuloy na mag-flex ‘yang muscles mo at sana makahanap ka ng babaeng magmamahal sa muscle mo!" na tinawanan lang ng birthday boy.

***

Isinabay na rin sa party ni Polo ang pag-i-introduce sa bagong boygroup na mina-manage ni Direk Manny na ang pangalan ay boyz.com.

Kasama rito ni Polo sina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco.

Lahat sila ay alaga ni Direk Manny, maliban kay Joseph na ‘hiniram’ lang daw ni DMV sa Star Magic ng ABS-CBN. Pare Ko ng Eraserheads ang una nilang kinanta na pinalakpakan ng mga nasa Guilly’s.

This Love ng Maroon5 ang sunod nilang binanatan with matching dance choreography. Nasa gitna si Polo at feel na feel ang pag-awit.

Na-frustrate yata noon si Direk Manny sa binuo nilang grupo na Barako Boys (binubuo nina Jay Manalo, Christian Vazquez, Luis Alandy, Paolo Paraiso, Carlo Maceda at Reggie Curley) na shortlived at maagang nadisband kaya nagbuo siya ng panibagong boygroup.

Hindi raw sakit ng ulo ang boyz.com at willing matuto ang limang boys.

Habang nagpe-perform sina Polo sa harapan ay panay ang tili ni Alessandra ng, "I love you, Papi!"

Kasamang dumating ni Joseph ang nobyang si Sandara Park kaya hindi totoo ang tsikang nag-break na ang dalawa at bumalik na ng Korea ang krung-krung na si Sandy.

***

Hindi dumating sa party ni Polo ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina dahil may iba raw itong lakad that night. Dumating si Sunshine Dizon, kaya dalawa sila ni Alessandra na ex-GF ni Polo na nandu’n.

Mukhang gabi ‘yon ng mga ‘ex’ dahil ex-girlfriend din ni Frank Garcia si Sunshine. Hindi namin napansin kung nagbatian at nag-usap sa party sina Sunshine at Frank.

Naroon din ang ex-magsyota na sina Girlie Sevilla at Marky Lopez. Nagkasama ang dalawa noon sa telefantasyang Encantadia, nagkarelasyon at nagkaroon ng isang anak.

Obviously ay hindi okey ang dalawa dahil nang tanungin namin si Marky kung nagkita sila ni Girlie, napapangiti itong umiling-iling, sabay walkout palabas ng bar.

Natawa lang si Girlie nang ikuwento namin sa kanya ang ginawa ni Marky.

Kinumpirma niyang hindi sila okey kaya itsurang nasa iisang lugar lang sila ay hindi sila nagkita at tila wala siyang keber sa ama ng kanyang anak.

Source.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites