<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 17, 2007

Angel Locsin `di pumasa sa London kaya balik-showbiz

SA isang umpukan ng mga respetadong ma-nunulat at ilang kilalang talent managers ay na-ungkat pa rin ang isyu tungkol kina Angel Locsin, Becky Aguila (manager ng aktres) at GMA Network, ang network na sumugal kay Angel noong wala pa itong pangalan sa industriya.

Kalat na kalat na rin kasi ang chikang hindi raw nakapasa si Angel sa entrance examination sa isang London school kung saan balak sanang mag-enrol nito ng kursong fashion designing.

Pero, ang argumento nga, bakit kukuha ng entrance exam samantalang crash course lang naman ang kukunin ni Angel?

Sabi pa ng isang beteranong writer, basta’t may pera ka, pasok ka na.

Hindi naman daw ito Yale University or Harvard University sa Amerika na kailangan talagang maipasa ang isang entrance test.

“Nabago na nga ang ihip ng hangin,” sundot naman ng isa pang manunulat. “Dati kasi balak ni Angel na mamalagi sa London for her crash course ng two months or so, ngayon, two weeks na lang. Gulung-gulo na ako sa kanila!”

Idinagdag pa ng kaharap naming writer na baka nga raw totoo ang balitang hindi pumasa si Angel.

Heto pa ang isang dagdag na chika. Nabasa na rin daw ng mga lawyers ng ABS-CBN ang kontrata ni Angel sa GMA Network. At may nasilip yatang ‘clause’ sa kontrata kaya hinihingan ng Kapamilya ng release paper ang manager ng aktres. Sakaling matuloy nga ang paglipat, para maging maayos ito.

Kaya lang, fews days ago ay nag-issue na ng denial ang kampo ni Angel tungkol sa napapabalitang paglipat ng aktres sa kalabang network ng Kapuso. Pero, how come, very persistent din ang rumor na bago pa man lumipad patungong Amerika si Becky ay pumirma na rin daw ito ng kontrata sa ABS-CBN. Pirma na lang daw ni Angel ang hinihintay.

Hay, kami rin ay naguguluhan na rin sa mga pangyayari. Iba’t ibang reaksiyon na nga ang natatanggap naming e-mail tungkol sa isyung ito. Kung anuman ang kahihinatnan ng isyung ito ay abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata! [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites