<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, July 23, 2007

Ara Mina bibili ng bagong mansyon

KAWAWANG Ara Mina! Nalagyan ng kulay ng ibang tao ang pagbebenta niya ng ari-arian.

It’s true naman pala that she’s selling her house sa Ferndale, Quezon City. Ang bahay ay nagkakahalaga raw, our (hot) sources say, something like P13 million. Ibenebenta rin pala ng aktres ang ilang naipundar na kagamitan. Pero hindi ibig sabihin nito, namumulubi na si Ara.

Pati nga raw ilang condo units ni Ara are up for sale. Kaso may mga umuukupa pa ng units kaya hindi niya ito maibenta agad-agad.

The multi-awarded actress is scouting for a new and bigger house. Ito ang dahilan kung bakit nagbebenta siya ng bahay at iba niyang kagamitan. Hindi siya naghihirap.

Ang malilikom niyang pera sa pagbebenta ay ga-gamitin nga niya sa pagbili ng bagong bahay na gusto niyang lipatan.

“Hindi ako naghihirap,” pagtatapat niya.

“Gusto ko lang ibenta ang bahay ko ngayon dahil gusto kong bumili ng bagong bahay. Wala naman sigurong masama kung ibenta ko ang mga ito, pag-aari ko naman ang ibinebenta ko?”

Hindi rin totoong sarado na ang Italian resto ni-yang Osteria 88 along Morato St. Sa gabi-gabi naming pagbababad sa katabi nitong Kopiroti, nakikita naming may mga kumakain pa rito.

Sa kuwento ng ilang kasamahan sa panulat, ang Osteria 88 ay exclusively for members only na umaabot yata sa mahigit isang daan ang miyembro.

Isa rin si Ara sa investor ng nagsarang Bubble Gang Toppings sa may Katipunan St. Ang plano ng grupo ay to look for another place na paglilipatan nito.

Kaso raw, busy pa ang lahat ng investors kaya hindi pa ito muli nabubuksan. In due time, maaasikaso na rin daw nila ito at muling bubuksan sa publiko.

Kahit Bubble Gang (ang top-rating gag show ng GMA every Friday night) at Lupin with Richard Gutierrez sa Telebabad Block lang ang show ni Ara at wala siyang ginagawang pelikula for the past few months, may mga naipon pa rin naman ang dalaga.

Umiikot nga ang nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes (abangan siya sa FHM issue this August) sa iba’t ibang parte ng mundo para sa GMA Pinoy TV sa mga bansang Amerika, Middle East, Guam at Europe.

Days ago, nagsimula na rin palang mag-shooting si Ara sa pelikula ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang bida (MMFF entry ito) at sisimulan na rin niya ang isang digital film tentatively titled Selda with Sid Lucero, Michael de Mesa, Cris Daluz at katotong Archie de Calma. [source]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites