<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, July 27, 2007

Ara Mina leading lady ni Manny Pacquiao

MATINIK talaga itong si Manny Pacquiao. Imagine, kahit sobrang loaded ang schedule ni Ara Mina, eh, napapayag pa rin niya ang dalaga na lumabas bilang leading lady niya sa pelikulang Pambansang Kamao na siya rin ang producer.

Kabi-kabila ang taping, shows abroad at business meetings ni Ara pero hindi niya natanggihan si Pacquiao. Wala raw kasing ibang gusto ang boksingero na maging leading lady kundi si Ara.

Kasalukuyang nilalagare ni Ara ang shooting ng pelikula with Pacquiao bago siya umalis ng bansa papuntang America para sa kanyang US tour. Kung hindi kami nagkakamali, aalis siya sa unang linggo ng Agosto at sa first week na ng September ang kanyang balik.

Bukod sa movie with Pacquiao, gagawa rin si Ara ng dalawa pang independent film. Dapat sana ay kasama rin siya sa Desperadas pero sa hindi malamang kadahilanan ay tinanggihan niya ang offer.

With too much work, wala munang panahon si Ara na mag-entertain ng mga lalaking nanliligaw sa kanya. Natutuwa rin siya na wala nang mga intrigang lumalabas about her except sa isyu na diumano’y poor na siya kaya ibinibenta ang bahay sa Quezon City.

“Alam mo namang hindi ‘yon totoo, Tito Leo. May nakita akong bagong place, malapit sa bahay ni Angel at nagustuhan ko ‘yon dahil mas malaki ‘yon at mas maganda,” kuwento pa ng dalaga.

Samantala, tinawanan lang naman ni Ara ang tsismis na nanliligaw sa kanya si Wendell Ramos. Pero hindi niya itinanggi na madalas din silang lumabas para mag-mall at manood ng sine pero kasama raw niya ang iba sa cast ng Bubble Gang like Rufa Mae Quinto. [source]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites