<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 31, 2007

Ara Mina updates

Balik sa pagpapaseksi si Ara Mina sa indie film na Selda mula sa bagong tatag na Starview Productions nina Leo Dominguez at Rodel Fernando.

Sa istorya, nakulong ang kanyang asawa (Sid Lucero) at nakarelasyon nito sa piitan ang isang kapwa preso (Emilio Garcia).

Kung may mala-Brokeback Mountain na love scenes sina Sid at Emilio, may maiinit na tagpo rin sina Ara at Sid.

"Sabi ko kay Sid, ‘Be gentle, ha?’ Ha! Ha! Ha!

"Kasi, ang tagal ko nang hindi gumagawa ng love scenes, eh! Pero parang feeling ko, ako pa ang magtuturo sa kanya kasi, first daring movie yata ito ni Sid. So, malamang ako pa ang mag-guide sa kanya! Naks! Ha! Ha! Ha!" natatawang sey ni Ara nang makausap namin kahapon sa storycon ng Selda sa Mowelfund compound.

Kahit may katagalan na ang huling sexy film niya ay hindi pa tuluyang tinatalikuran ni Ara ang sexy roles lalo na kung alam niyang maganda ang project.

"Kung sina Meg Ryan nga, kahit medyo nagkaedad na sila, nagkakaroon pa rin sila ng nude scenes sa pelikula, di ba? So, bakit hindi ako, di ba? Kung kaya naman, kung may ipapakita pa naman, why not? Ha! Ha! Ha!

"At saka kakaiba itong Selda. Excited ako, kasi, aktingan na naman ito! Na-miss ko ‘yung mga ganu’ng pelikula. Kahit hindi siya pam-box-office eh talagang mapupuri mo ‘yung pelikula.

"Challenging ‘yung role ko kasi, hindi ko alam kung anong feeling kapag pumatol sa guy ‘yung boyfriend ko. Hindi ko pa na-experience ‘yon. Ang alam kong nakakahati ko eh mga babae!

"At saka nagkaka-crush ako sa mga bading, pero hindi ko pa naranasan na may boyfriend ako na may relasyon o pumatol sa kapwa niya lalake.

"So, ‘yun ang kailangan kong pag-aralan para ma-motivate ako nang husto," napapangiting sabi ni Ara.

***

Ang tagline na naisip para sa Selda ng direktor nitong sina Paolo Villaluna at Ellen Ramos ay ‘We are all prisoners of our hearts.’

Si Ara ba ay ‘bilanggo’ pa rin ng kanyang puso?

"Malaya na ako, ‘no! I’m free!" maigting na bulalas niya, sabay tawa.

"Pero pahinga muna ang puso ko, kasi nakakapagod. Puro na lang sakit ng ulo! Ha Ha! Ha! Hindi naman, siguro hihintayin ko na lang dumating ‘yung prince charming ko.

"Napapagod din pala ang puso, nag-o-overheat din, parang sasakyan. Kaya lalagyan ko muna siya ng ice at kailangan ng change oil. Dadalhin ko muna sa kasa! Ha! Ha! Ha!"

Masyado bang pinagod ng ex-BF niyang si Polo Ravales ang puso niya?

"Hindi naman dahil lang kay Polo. I mean, pati ‘yung mga past ko. You know me naman, matagal ako bago magka-BF at pang-long term talaga ako na relationship...

"Pero oo naman, naka-move on na ako. Ganu’n naman, eh! Life goes on. Hindi kailangang magmukmok ka. At saka magsisisi rin siya! Joke!!! Ha! Ha! Ha!" halakhak niya.

***

Ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes ay sasabak na rin sa pagpapaseksi sa pelikula matapos itong mag-pose sa FHM.

Okey lang ba ‘yon sa kanya bilang ate ni Cristine?

"Okey lang. Alam naman siguro niya ‘yung limitations niya. Siguro, nakikita ni Cristine ‘yung ginagawa ko before so, parang sinusundan niya lang ‘yung footsteps ko, di ba?"

Proud ba siya na sinusundan ng kapatid niya ang mga yapak niya?

"Oo, proud ako! At parang ang dating sa akin no’n eh, parang nagiging role model niya ako..."

Pero aminado si Cristine na hindi nito kaya ‘yung level ng pagpapaseksi noon ni Ara.

"Eh kasi, mahigpit na ang MTRCB ngayon, hindi gaya noon! Kung noon, kaya pa ang mga frontal-frontal, ngayon hindi na. Mga shadow-shadow na lang! Ha! Ha! Ha!

"Hindi ko rin masasabi kung kayang gawin ‘yon ni Cristine dahil ayoko nang makialam sa career niya, eh!

"Pero knowing her, baka hindi pa niya kayanin!" dayalog pa ni Ara. [source]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites