<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, July 13, 2007

Cristine Reyes, ayaw makumpara sa ate niyang si Ara

TULUYAN na ngang pumalaot sa mundo ng pagpapa-sexy itong si Cristine Reyes. Kamakailan lang ay natuloy na ang piktoryal niya sa isang sexy men’s magazine at nakatakda itong ilabas ng FHM sa buwan ng Agosto.

Natapos na rin ni Cristine at leading man niyang si Andrew Schimmer ang first shooting day ng Green Paradise ng New City Entertainment.

Ang launching movie ng batang aktres ay mula sa direksyon ni Lorenzo Kho (Hong Kong-based director) at script naman ng 2006 Golden Screen awardee at fellow columnist namin sa People’s Taliba na si Dinno Erece.

Kinukunan ang kabuuan ng pelikula sa Antipolo City at bayan ng Zambales.

“Wala pang masyadong nakukunan,” says our source.

“Breaking the ice pa lang kumbaga. Pero handang-handa na sina Cristine at Andrew. Excited sila sa kanilang launching movie. Si Andrew nga, napapadalas na ang pagi-gym. Nagda-diet naman si Cristine. Ayaw kasi nilang mapahiya sa kani-kanilang mga fans.

Sa Green Paradise, ibang Cristine daw ang mapapanood ng mga tao. Magkakaroon siya rito ng mga daring scenes with Andrew at tiyak daw na pag-uusapan ang nakababatang kapatid ni Ara Mina once the movie hits the silver screen.

Sa said movie rin daw masusubukan kung hanggang saan ang tapang ni Cristine sa paghuhubad.

Nang makapanayam namin ang Starstruck graduate sa set ng Fantastic Man: Ang Ikalawang Laban, (airs Saturday after Kapuso Sine Specials) na pinagbibidahan ni Mark Herras, ay inamin naman ni Cristine na may nararamdaman siyang konting kaba sa gagawin niyang pagpapalit ng imahen. Pero handa na rin daw siya sa opinyon ng mga tao.

“Alam ko namang you can’t please everybody. Basta gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ako na-ngangako pero pagsisikapan kong mapasaya ang mga tao. “Pero alam ko ring iba na ang konsepto ng pagpapa-sexy ngayon. Hindi naman siguro ako aabot sa puntong magmumukha na akong cheap,” pagtatapat ng batang aktres.

Ayaw na ring magbigay ng komento ni Cristine sa naging alitan nila ni Katrina Halili, FHM’s sexiest Pinay for two consecutive years, at cheap ang dating ng isyu sa kanya.

Ngayong sumabak na rin siya sa pagpapa-sexy, pilit naman siyang ikinukumpara sa nakatatandang kapatid niyang si Ara Mina. Na mula nang sumubok magpa-sexy sa pelikula ay nabigyan naman ng magagandang roles at ngayon nga ay kinikilala bilang isang mahusay na aktres.

“Ayoko namang ikumpara sa kanya, noh? Magkaiba naman kami. At saka parang mahirap yatang maikumpara ako kay Ate kasi walang kompetisyon sa aming magkapatid. Aminin nating naroroon na siya. Kinikilala na siya. Nirerespeto na siya,” lahad ni Cristine.

Aminado naman si Cristine na bago niya tinanggap ang offer ng FHM at pagpapa-sexy sa pelikula ay ikinunsulta muna niya ito sa kapatid niya. Maging ang Mommy Klenk niya ay hi-ningan din daw niya ng opinyon.

“Alam ng Ate ko na gagawin ko ito for my career, not for anything else. Or para lang may mapatunayan ako. Hindi ganu’n ‘yon.

“Malayo na si Ate. Nagsisimula pa lang ako. May mga napatunayan na siya. At kung ikukumpara ako sa kanya, unfair naman ‘yon. Gagawin ko na lang kung ano ang makakaya ko,” wika pa ni Cristine.
[source]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites