<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, July 22, 2007

Ouija updates

Dalawang beses naming napanood ang horror movie na Ouija nu’ng Huwebes -- sa press preview nito nu’ng hapon at sa VIP screening nito kinagabihan dahil nagpasama sa amin si Tita Malou Fagar.

Habang nagka-cocktails kami sa lobby ng Cinema 5 ng Greenbelt 3 ay lumapit sa amin ang boyfriend ni Jolina Magdangal na si Atty. Bebong Muñoz.

May cameo role si Bebong sa Ouija bilang co-lawyer ni Judy Ann Santos. Natawa siya nang sabihin naming mas ‘mahaba’ ang role niya kesa sa boyfriend ni Juday na si Ryan Agoncillo na may cameo rin sa movie.

Agree kami sa comment ni Tita Malou na mas guwapo si Bebong in person kesa sa TV o sa big screen. Natuwa ito nang ipaalam namin na maganda ang feedback sa bagong movie ng kanyang nobya.

Naikuwento pa sa amin ni Bebong na nu’ng bata pa siya ay naranasan niyang maglaro ng spirit of the glass gamit ang tunay na Ouija board at gumalaw raw ang baso.

Kasama ni Ryan that night ang kanyang Daddy Chito at Mommy Nina. Sa may bandang likod umupo sina Ryan at hindi siya tumabi kay Juday sa loob ng sinehan.

Ang daddy ni Iza Calzado na si Lito Calzado ay kasama ang boyfriend ni Iza na si Jerry Garcia. Nang magkita ang dalawa sa loob ng Cinema 5 ay nilapitan ni Iza si Jerry at binigyan ng napakatamis na halik sa labi.

Hindi dumating ang natsitsismis kay Rhian Ramos na si Mo Twister. Dumalo rin ang mag-sweetheart na Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Ang sweet ng dalawa at walang keber si Ogie mereseng siya ang tagabitbit ng malaking gold Louis Vuitton bag ni Regine.

Nang i-acknowledge sila ng lady boss ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar ay nabanggit nitong sina Regine at Ogie ang bida sa next movie project ng GMA Films.

Dumating din si Kuya Germs kasama si Billy Crawford, Aiza Seguerra kasama ang girlfriend na si Chen, Raymond Gutierrez kasama sina Georgina Wilson at Nicole Anderson, Tita Annabelle Rama, Beth Tamayo, Atty. Adel Tamano at mga direktor na sina Mark Reyes, Louie Ignacio at Mike Tuviera.

Humabol si Ms. Sharon Cuneta. Sa may harapan namin nakaupo si Mega kaya dinig na dinig namin ang tili niyang, "Hindi ko na kaya, sis!!" kina Juday at Jolens sa mga nakatatakot na eksena sa Ouija.

Nakahinga raw nang maluwag si Sharon dahil maganda ang movie ng ‘kapatid’ niyang si Juday sa GMA Films, so safe na raw siya sa gagawin niyang pelikula with Robin Padilla sa film arm ng Siyete.

After ng VIP screening ay nag-dinner ang cast sa isang resto doon sa GB3. Nag-motor lang si Ryan galing sa meeting nito sa Serendra kaya bitbit nito ang kanyang helmet.

Pagkatapos ng dinner ay mukhang nag-celebrate sila ni Juday at nag-motor lang ang magsyota papunta sa kanilang out-of-town date. [source]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites