<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, August 27, 2007

Iza Calzado hindi nanulot ng project kay Jennylyn

HINDI pa man nagsisi-mula ang shooting ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ay tila nahaharap na ito sa isang kontrobersiya.

Binabato ngayon ng intriga si Iza Calzado ng pralala girls and gays ng kampo ni Jennylyn Mercado.

Kumpirmado na ka-sing si Iza na ang gaganap bilang leading lady ni Ken Zhu (member ng F4) sa naturang movie na ipoprodyus ng Ignite Media Films at ididirek ni Adolf Alix, Jr.

Pinalalabas kasi ng kampo ng first female StarStruck winner na si-nulot o inagaw ni Iza ang proyekto kay Jennylyn.

Galing na mismo sa bibig ni Direk Adolf (direktor ng indie films na Donsol at Kadin) na walang sulutan o agawang nangyari.

“Orignally, the project was really for Judy Ann Santos,” paliwanag ng direktor nang tumawag sa amin para linawin ang issue.

“Una naming kinausap si Juday nu’ng gabi ng Gol-den Screen Awards. That was March. We gave her the script, binasa niya at nagustuhan ‘yung role kaso talagang sobrang dami ng trabaho ni Juday. Hindi tala-ga niya maisingit ito. Hanggang nagsimula na sila ng shooting ng Ouija.”

Pagtatapat pa ni Direk Adolf, sobrang interesado raw ni Juday sa proyekto. Iskedyul nga lang daw talaga ng Drama Princess ang dahilan kung bakit binitiwan ito ng aktres. Ipinagdiinan pa ng maga-ling na direktor na it was Juday who referred Iza to them.

“Nang i-offer namin ang project kay Iza, schedule rin ang naging problema niya. Nagti-taping siya ng Impostora, tapos isisingit pa niya ‘yung shooting ng Desperadas ng Regal.

“And then pumasok pa ‘yung shooting niya ng The Echo sa Toronto, Canada. So, talagang walang assu-rance kung matatanggap din ni Iza ang project o hindi. So, kumbaga, kailangan na-min ng fallback.”

Dito na raw pumasok ang pangalan ni Jennylyn. May nag-suggest daw ka-si sa Ignite Media at kay Direk Adolf na si Jennylyn na lang ang kunin in case nga na hindi rin umubra sa schedule ni Iza.

“We only gave her script for reading,” ani Direk Adolf sa kabilang linya. “But we didn’t assure her na sa kanya ang proyekto.

Nang binalikan daw nila si Iza, biglang naayos ang schedule ng dalaga ni Lito Calzado. Sa Sept. 25 pa kasi ang simula ng shooting ng Batanes at nakatakdang bumalik ni Iza mula sa shooting ng The Echo sa Sept. 20.

Ayon pa kay direk Adolf, ta-mang-tama lang ang pagbabalik ni Iza sa bansa sa schedule na ibinigay naman ng mga namamaha-la ng career ng Taiwanese actor.

So, sing-linaw ng tubig sa batis na hindi sinulot o inagaw ni Iza ang pro-yekto kay Jennylyn. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites