<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, August 29, 2007

Jennylyn Mercado, laki ang pasasalamat kay Sen. Bong Revilla

Laki ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado kay Sen. Bong Revilla dahil kinuha siyang leading lady sa pelikulang Resiklo.

Kung wala pa raw ang pelikulang ito, baka wala na siyang ginagawa. Hindi pa raw niya alam kung meron na bang ibibigay na trabaho sa kanya ang GMA 7.

Ang unang napansin namin kay Jennylyn nang dinalaw namin siya sa set ng Resiklo ay lalo yata siyang sumeksi, at hiyang yata sa pahinga.

"Oo nga po," sagot agad ni Jennylyn.

Napansin din namin na parang lalong lumaki ang boobs ni Jennylyn. Itinanggi ng dalaga na niretoke iyun.

Kahit si Sen. Bong ay napansin din ang kaseksihan ni Jennylyn pero no comment si Bong pagdating sa ganu’ng topic.

Mahirap na raw, baka maintriga pa siya. Tinitiyak ni Sen. Bong na hindi pagseselosan ni Lani Mercado si Jennylyn.

Asiwa raw kung iintrigahin pa sila ng ganun dahil sobrang bagets daw ni Jennylyn para ma-link sa kanya.

Nagpapasalamat din si Jennylyn sa mga malalapit niyang kaibigan lalo na sa panahon ngayon na nasa krisis siya. Kahit sina Mark Herras at Yasmien Kurdi ay hindi raw nakalimot na kumustahin siya.

Nagsalita naman si Mark na kung meron siyang maitutulong kay Jennylyn ay gagawin niya dahil gusto niyang makasama ito sa susunod niyang programa sa GMA 7.

Itinanggi naman ni Jennylyn ang isyung naghihirap na siya dahil marami siyang kailangang bayaran.

Kahit papano ay may naipon daw siya at nababayaran daw niya ang mga dapat bayaran. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites