<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, August 28, 2007

Karylle ’di banned sa set ng ‘Marimar’

HINDI naman pala banned si Karylle sa taping ng Marimar nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kinukunan sa ilang parte ng Zambales.

Ito ang nilinaw ng singer-daughter ni Zsa Zsa Padilla over dinner last Friday sa bago nilang negosyo ng boyfriend of two years na si Dingdong, ang Centerstage Family KTV, na matatagpuan sa Timog Circle, Quezon City.

Malayo lang daw talaga ang location ng naturang teleserye, kaya bihira niyang madalaw sa set ang kasintahan. Isa pa, hindi rin siya basta-basta puwedeng umalis dahil meron siyang mga trabahong kailangang asikasuhin.

Malayo rin daw mangyari ang tsikang nagkakalabuan na sila ni Dingdong dahil kay Marian. Naiintindihan daw ni Karylle na parte ng promo ng Marimar ng GMA-7 ang pagkaka-link ng dalawa sa isa’t isa.

Kulang na nga lang, sabihin ng dalaga na sanay na siya sa ganu’ng pang-iintriga every time na may project si Dingdong with a different leading lady, kaya wa epek ito sa kanya.

Ganu’n naman daw talaga sa showbiz, eh, dagdag pa ni Karylle, na abala rin sa tinatapos na album na ang kalahati sa line-up ay sariling komposisyon.

Itinanggi rin nito ang diumano’y komento ng inang si Zsa Zsa asking movie writers kung “on the verge (of breaking up) pa lang ba?” sina Karylle at Dingdong, na allegedly ay dinugtungan pa nito ng “‘wag na nilang gamitin ang anak ko.”

“I asked her (Zsa Zsa), eh. Hindi raw niya sinabi ‘yon. Kasi parang policy na namin ‘yon, actually, it’s not a policy naman, but usapan na namin na kapag may ganu’ng issues na lumalabas, dapat tanungin agad ‘yung tao. Baka naman kasi na-misinterpret lang, hindi narinig or what.

“Pero wala talaga. Ang sabi, it happened during our soft opening. Nasa baba ang mom ko noon, paakyat pa lang siya, but she knows we’re okey and nandito si Dong sa taas,” depensa pa ni Karylle sa ina.

Actually, dapat ay kasama si Dingdong sa dinner na ‘yon sa Centerstage, kung saan nakasama ng singer ang principal partners/investors na sina Bobby at Maribi Garcia.

Nagkataon lang na may Marimar taping ito that night, kaya hindi naka-join.

“But we make it a point to be together naman kapag ganitong pareho kaming maraming trabaho. Ang tawag namin doon, ‘nagbabaon kami.’ Meaning, we make trips and spoil ourselves sa bakasyon,” kuwento ni Karylle.

Katunayan, kamakailan lamang ay galing sila sa Hong Kong at Boracay.

Si Dingdong din ang kumumbinse kay Karylle na hingin ang tulong ni Maribi tungkol sa isang personal problem, na nauwi nga sa pag-i-invest nila sa Centerstage.

Matagal na nilang kilala ang mag-asawang Garcia’t kaklase pa ni Karylle ang anak ng mga itong si Ria. Ang pamilya Garcia ay bihasa sa restaurant business at sila rin ang nagmamay-ari ng mini shabu-shabu restos na matatagpuan sa Wilson St., Greenhills at Serendra sa The Fort.

Magkakasama rin sila sa Bethesda Springs of Hope healing ministry, kung saan naging part pa si Karylle ng prinodyus na album ni Maribi, ang Music & Prayers, na ni-release ng Universal Records.

Kaya, blessing in disguise o milagro raw na matatawag ang pagbisita nila para humingi ng advice ni Maribi, dahil nagka-ideya pa silang mag-invest sa noo’y itinatayong Centerstage Family KTV.

“Dati ko pa gustong mag-business, but I waited for the right business para hindi naman ako ma-scam at hindi masayang ang pinaghirapan kong pera. Tamang-tama ang pagdating nito (Centerstage), because it’s something pa na I really love. It’s a miracle na lang when the problem becomes a blessing and something good comes out of it,” sabi pa ni Karylle.

Nag-soft-opening na ang lugar nu’ng August 8, pero hindi ito ipinag-imbita dahil hindi pa nga lubusang tapos ang lugar. Pero, ilan na sa mga kaibigan ng dalaga ang nakadadalaw dito, kabilang na sina Jolina Magdangal at ilang taga-SOP.

Magkakaroon ito ng grand opening very soon matapos ang tinaguriang dead month ng mga Intsik (August 13-September 11).

Kaya kung type n’yo ng sosi (as in, sosyal) na ambience habang nagsi-sing-along, go na kayo sa Centerstage Family KTV. Bukod sa 20-tastefully decorated KTV rooms na pulos LCD TV ang gamit at maaaring maglaman ng apat hanggang 20 guests, malawak din ang catalogue ng mga kantang puwedeng pagpilian.

Ngayon, kung pagod na kayo sa kakakanta, maaari kayong mag-relax at mag-unwind minus the ingay sa katabing Circle Cafe, kung saan nagsi-serve ng generous servings ng masasarap na pagkain, gaya ng baked oysters, crispy pork sisig, a wide variety of pizza, cuapao, steak, molo at kung anu-ano pa.

May open-air piano bar din ito, kung saan puwedeng tumambay ang mga smoker. Wala rin kayong magiging problema sa parking dahil meron itong three levels ng free parking sa basement.

Ang Centerstage Family KTV ay bukas araw-araw mula 2 p.m. hanggang 5 a.m. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites