<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, August 29, 2007

Marian Rivera okey lang na palaging may kissing scenes kay Dingdong Dantes

Okey lang kay Marian Rivera na lagi silang may kissing scenes ng kapareha niyang si Dingdong Dantes sa Marimar.

Kuwento sa amin ni Marian, halos every scene ay may halikan sila ni Dingdong dahil nagmamahalan sila sa telenobela at inosenteng may kalandian ang karakter niyang si Marimar.

Type ni Marian ang role niya na hindi siya pa-cute at pa-tweetums kundi meron siyang taglay na kalandian.

Sa lovescene nila sa burol ay ‘lumaban’ siya kay Dindong. Kung hinalikan siya nito sa lips at sa leeg ay ‘hinagod’ din niya ng halik si Dingdong habang kunwari ay kapwa sila nakahubad sa ilalim ng ulan.

Mainit din ang eksena nila sa jacuzzi na kuntodo tukaan sila ni Dingdong. Dayalog sa amin ni Marian, malaki ang jacuzzi kaya hindi sila nagkapatungan o nagkasalatan ni Dingdong.

Kahit panay ang pagsusugpong ng mga labi nila ni Dingdong ay never daw silang naglaplapan nang husto dahil ayaw ni Direk Joyce Bernal na maging malaswa ang dating.

Pati ang love scenes nila ay ine-edit nang husto ni Direk Joyce para siguraduhing pasado pa rin ito sa TV.

Ang laki ng nagawa ng Marimar para magkaroon ng confidence si Marian na dating mahiyain. Ngayon ay mas palaban na siya’t hindi na ‘manang’ ang dating.

Mukhang after Marimar ay magtutuluy-tuloy na ang suwerte kay Marian dahil narinig naming si Marian din ang napipisil ng GMA na gaganap sa TV version ng Dyesebel.

Hindi pa man tapos ang Marimar ay magti-training na yata ng swimming at diving ang dalaga bilang paghahanda sa papel ng sikat na Pinay sirena.

Nakita namin sa isang coffee shop sa Morato si Direk Joyce at nabanggit namin ‘yon sa kanya. Agree si direk na bagay si Marian bilang Dyesebel.

Ang alam daw niya ay hindi swimmer si Marian pero sa underwater scenes nila sa Marimar ay napansin niyang mabilis itong matuto at madaling turuan.

Ang tamis ng ngiti ni Direk Joyce at halatang na-excite nang sabihin naming dapat ay siya rin ang magdirek ng Dyesebel sa GMA. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites