<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, August 30, 2007

'Quija' naunsyami sa Amerika

Ikalulungkot ng fans nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal ang pagkakakansela ng US screenings ng horror flick nilang Ouija.

Mula nang mapabalitang magkakaroon ng US premiere ang Ouija ay excited na ang mga Pinoy fans sa Amerika sa pagpunta roon nina Juday.

Madidismaya sila dahil kumpirmadong kanselado na ang nasabing US screenings.

Ang sinasabing dahilan ng hindi pagkakatuloy nito ay ang masalimuot na isyu ng video release ng Ouija (na pinrodyus ng GMA at Viva Films) pero hindi na namin ito dadalirutin pa.

Nakapanghihinayang dahil sina Juday at Jolens mismo ay atat nang lumipad at mag-bonding sa Amerika. Kapwa first time sana nila ‘yon na magpi-premiere ang pelikula nila sa ibang bansa, naunsyami pa.

Napurnada man ang Ouija premiere ay tuloy pa rin ang larga ni Juday pa-Amerika dahil nakaiskedyul na ‘yon para sa kanyang US raket na may kasama na ring bakasyon.

Sa pag-alis niya sa Oktubre ay tapos na ang taping nila ng Ysabella kaya gusto niya ring makapagpahinga.

Pahingang may kasama pa ring trabaho ang mangyayari dahil tuloy ang second leg ng Lovespeak The Concert nila ng nobyo niyang si Ryan Agoncillo sa Tate.

Last year ay successful ang Lovespeak nila ni Ryan sa LA, New Jersey at Jacksonville, Florida. Ang lakas doon ng Juday-Ryan tandem at marami pang nasasabik na makita ang dalawa kaya may part 2 ang kanilang concert.

Narito ang schedule ng second leg ng Lovespeak The Concert:

Oktubre 7, Las Vegas

Oktubre 12, San Francisco

Oktubre 14, Carson City, LA

Oktubre 17, Jacksonville, Florida

Oktubre 19, New Jersey

Oktubre 20, Orlando, Florida.

Dapat ay makakasama nila si Wowie de Guzman sa nasabing concert tour pero hindi na raw puwede si Wowie kaya naghahanap pa ng makakapalit nito.

Bukod kina Juday-Ryan ay may kasama rin silang singers sa show, pero hindi pa rin napa-finalize kung sino.

Kung last year ay walang duet ang magsyota, ngayon ay pumayag na raw si Ryan na makipag-duet sa kanyang nobya. At hindi lang isa kundi dalawa ang duet number nila ni Juday.

Sa mga taga-Amerika na nalungkot at nadismaya sa pagkakaudlot ng Ouija premiere, watch n’yo na lang ang mag-sweetheart na Juday-Ryan sa kanilang six-city concert tour. [source of news]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

totoo po ba amg quija

3:46 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites