<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, August 22, 2007

Richard Gutierrez vs Angel Locsin

Hindi pa man nagsisimula ang teleserye na gagawin ni Angel Locsin sa ABS-CBN ay may narinig na kaming tsika na ipantatapat daw ito sa bagong primetime show ni Richard Gutierrez sa GMA na Kamandag.

Walang kaso kay Richard ang paglipat ng dati niyang kalabtim sa Dos dahil sariling desisyon ‘yon ni Angel pero ang hiling daw sana ng pambatong matinee idol ng Siyete ay huwag pagtapatin ang mga programa nila.

Tila hindi mangyayari ang gusto ni Richard dahil narinig naming ipantatapat sa Kamandag ang Taong Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Samantala, gaano kaya katotoo ang nakarating sa aming balita na second choice lang daw si Piolo sa Taong Lobo?

Ito raw ‘yung teleserye na unang inalok ng ABS-CBN kay Robin Padilla (bago pa ito nag-Asian Treasures sa Siyete) pero tinanggihan daw ito ni Binoe dahil hindi niya gusto ang nasabing project.

Ang balita pa, eversince ay si Kristine Hermosa ang leading lady sa Taong Lobo at maging ‘yung offer kay Robin ay si Kristine dapat ang kanyang makakapareha.

Ngayon ay tila naisasantabi si Kristine sa naturang project na mula sa simula ay sa kanya talaga dahil sa pagpasok sa eksena ni Angel.

Ang alam namin ay kasama pa rin sa Taong Lobo nina Piolo at Angel si Kristine. Hindi lang malinaw kung isinalpak lang ba sa nasabing project si Angel o sa kanya na napunta ang female lead role na dapat sana ay para kay Kristine.

Maliwanag na ibinebenta ang nasabing project bilang teleserye nina Piolo at Angel. Okey lang kaya kay Kristine na pansuporta lang siya sa bagong salta sa bakuran nila na si Angel?

Kung tumanggi si Robin sa alok ng ABS, muli siyang gagawa ng primetime series sa GMA pagkatapos ng matagumpay na Asian Treasures.

Ang Joaquin Burdado na nobela ni Carlo J. Caparas at ginampanan dati sa pelikula ni Ramon Revilla Sr. ang next project ni Ro-bin sa Siyete.

Action-fantasy ito na nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ng karakter ni Robin.

Sina Iza Calzado at Cristine Reyes ang dalawa sa tatlong magiging leading ladies ni Binoe sa Joaquin Burdado. Pinagpipilian pa kung sino ang pangatlo. Hindi pa sigurado kung sinong direktor pero sa Oktubre na nakatakdang magsimula ang taping nito. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites