<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("iframes-styles-bubble", function() { if (window.iframes && iframes.open) { iframes.open( '//www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\07526480880\46blogName\75GMA7+News+Today\46publishMode\75PUBLISH_MODE_BLOGSPOT\46navbarType\75BLUE\46layoutType\75CLASSIC\46searchRoot\75http://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\46blogLocale\75en_US\46v\0752\46homepageUrl\75http://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\46vt\0752852052905181515934', { container: "navbar-iframe-container", id: "navbar-iframe" }, { }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, September 25, 2007

Jennylyn Mercado, tuloy ang buhay

Carl & Carl Productions ang bagong indepen­dent film outfit na ku­muha ng serbisyo ni Jennylyn Mercado para sa kani­lang maiden venture na pinamagatang Nars. Ito bale ang kauna-una­hang pelikula ni Jennylyn matapos mailagay sa freezer sumandali ang kanyang acting career na naapektuhan sa gi­nawang paglipat ni Angel Locsin na ang manager ay manager din niya. Obvious na may naging epekto sa ma­galing na artista ang mga naganap sapagkat pa­rang bigla ay naging aloof siya at hindi na gaanong open sa media.

Matatapos na ang shooting ni Jennylyn sa Resiklo, pang MMFFP offering ng Imus Prod­uct­ions ni Bong Revilla at bagaman at may mga naririnig siya na kasama siya sa My Only Love, hindi niya ito gaanong inilalagay sa isip niya dahil baka makatulad ng Pasan Ko Ang Daigdig na unang nabalita na kanya pero si Yasmien Kurdi ang gumaganap ngayon.

“Kapag nagsisimula na kaming mag-shoot, dun pa lang ako ma­kasisiguro na kasama ako pero habang hindi pa, iba muna ang pagtutu­unan ko ng isip,” sabi niya sa launch­ing ng Nars na kung saan ay isang ba­guhan ang makakatam­bal niya, isang Jon Avila, na talent pala ng Dos.

“Hindi ako namimili ng kapareha, kung sino ang ibigay sa akin ng producer, okay lang,” dagdag pa niya. Hindi na mahihirapang mag-negotiate ng GMA na ayaw nang makipag-usap sa manager niya dahilan sa pwede na silang dumi­retsong ma­kipag-usap sa kanya.

Si Carlo Maceda, isa ring aktor ang isa sa Carl & Carl na tu­ma­tayong producer ng pelikula. Ang isa pa ay si Carl E. Balita, isang nurse, Doctor of Hu­manities, isa ring en­trepreneur na gus­tong ipakita sa pama­magitan ng kanyang pelikula kung bakit uma­alis ang mga nurse dito sa ‘Pinas para magtra­baho sa ibang bansa.

Si Jennylyn ang ma­hi­rap na nursing student na lahat ng pamilya (Jo­seph Bitangcol, Jeffrey Hidalgo, Allan Paule at Jaclyn Jose) ay nagsa­sakripisyo para siya ma­katapos; Si Jodi Sta. Maria si Adrinne, may mga magulang na OFW at isa sa maraming nur­sing stude na kapag na­katapos ay maga-abroad din; si Agot Isidro si Marissa, isang doctor pero nag-aaral maging nurse para makapunta sa abroad; si Jon Avila si Liam, nasa US na kasama ang pa­milya pero pumunta ng ‘Pinas dahil murang mag-aral ng nursing dito; si Coco Martin si Noel, isang baklang nur­sing student na nanga­ngarap makapag-asawa ng isang lalaki kaya pu­punta siya ng Europe na kung saan pinapa­yagan ang ganitong uri ng ka­salan.

Ang award winning director na si Adolfo B. Alix, Jr. ang director. Incidentally ang pelikula niyang Donsol ay kala­hok sa foreign film cate­gory sa Oscars. Asso­ciate director si Arman Reyes at ang sumulat ng istorya ay si Agnes P. de Guzman. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites