<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, October 28, 2007

Ara Mina, nagpakipot sa Prince ng Kuwait

Nagpalit ng mobile number niya si Ara Mina para makaiwas sa mga intriga.

Gusto rin niyang manahimik muna ang kanyang buhay na malayo sa samu’t saring isyu.

Nasagad si Ara sa isyu sa kanila ni Manny Pacquiao.

Ayaw niyang magpa-interview kung ito rin lang ang itatanong sa kanya.

Natuwa ang aktres dahil naglalabasan ang kanyang mga kaibigan na handa siyang ipagtanggol at ibangon ang kanyang image.

Isa na rito ay ang mang-aawit na si Dulce.

Nagkita at nagkausap sina Dulce at Ara kamakailan.

Naawa si Dulce sa sunud-sunod na birada kay Ara.

Naantig ang puso ni Dulce sa interview ni Ara na nagtatanggol ito sa sarili laban sa mga mapanirang akusayon.

Sabi ni Dulce, kung magkakaroon lang siya ng pagkakataong makapagsalita sa kahit na anong showbiz-oriented talk show, sasabihin niyang hindi mababang uri ng babae si Ara.

Nagkasama sina Dulce at Ara sa isang show sa Middle East. Nasaksihan ni Dulce kung paano habulin ng prinsipe ng Kuwait si Ara.

Kuwento ni Ara, "That time, iniimbitahan kami ng prince na magyate. Ayaw kong sumama, kasi, hindi ko naman type ‘yung prince. Pero gusto ni Ogie (Alcasid) na magyate. Hindi pa raw siya nakaka-experience na sumakay sa isang royal yacht.

"‘Pag hindi ako sumama, mababale-wala ang imbitasyon. Ako raw ang gusto talagang imbitahan nu’ng prinsipe.

"Hindi naman panget ‘yung prince. May edad na nga lang. Pero hawig siya ni George Clooney. Lumabas na ‘yung picture niya sa Yes Magazine.

"Noong time na ‘yon, kami pa ni Polo (Ravales) kaya wala akong ganang makipagtsikahan sa kahit na sinong lalaki.

"Sabi nga ni Tita Dulce, kung talagang gusto kong pumatol sa mga lalakeng mayayaman, dapat sana noong time na nakilala ko ‘yung prince, nagpa-effect na ako sa kanya.

"Kaso, hindi ako ganoon. Sa akin, mas ako pa ‘yung generous sa lalake, kaysa ‘yung lalake ang generous sa akin.

"Hindi ako tumitingin sa pera. Ang thinking ko kasi, nagtatrabaho naman ako, may kinikita naman ako, bakit pa ako papatol sa lalake na mapera nga, hindi ko naman mahal?" paliwanag ni Ara.

Dati ay madalas siyang tawagan at i-text ng prinsipe para lang kumustahin. Madalas na hindi niya nae-entertain ang prinsipe dahil sa kanyang hectic schedule.

Ngayong nagpalit na ng number si Ara, naputol na ang kanilang communication.

Pero sabi ni Ara, kung talagang gusto siya ng prinsipe, gagawa ito ng paraan para makausap siya uli.

"Kung nagpakita lang ako ng interes sa kanya noong time na ‘yon, baka nagpunta na ‘yon dito sa Pilipinas. Gusto niya akong sundan dito sa Pilipinas. Sinabi ko naman na busy ako, which is true naman," kuwento ni Ara. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites