<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, October 27, 2007

Carlene Aguilar, naiyak!

Naging masalimuot at nagmukhang kawawa raw si Carlene Aguilar nang dumating ito kahapon mula sa Amerika kasama ang kanilang anak ni Dennis Trillo. Dahil may prior announcement na darating ang dating beauty queen kasama ang one month old baby nila, ayun dumagsa raw ang maraming media para makunan ang pagdating niya.

Ayon sa kuwento ng witness na nasa airport kamakalawa ng madaling araw, natunugan daw agad ni Carlene na maraming media kaya hindi agad ito lumabas at pansamantalang nag-stay sa may Duty Free. Pero nang medyo mainip na raw dahil nakita nilang wa­lang planong umalis ang mga naghihintay na TV crews and photo­graphers, walang choice si Carlene kasama ang kanyang mother na lumabas sa arrival area.

Dahil nag-uunahan sa pagkuha ng pictures sa mag-ina, na pilit namang iniiwas ni Carlene, ang one month baby daw ang naging kawawa dahil na­bugbog ito sa loob ng stroller dahil talagang hina­harangan ng mga came­raman habang iniiwas ni Carlene. Buti na lang daw at may nagma­gandang loob na kunin ang bata at dalhin sa sasakyan. Ang ending, nang buksan daw ang cover ng stroller, nangingitim ang bata. Umiyak daw si Carlene at panay ang sabi nang: “Ang baby ko.”

Pero nagkaroon pa rin daw ng ambush interview sa dating beauty queen at nang tanungin siya kung kailan sila pakakasal ni Dennis: “Siya na lang tanungin ninyo,” sagot daw ni Carlene.

Ang disappointing part lang daw dito ay hindi man lang nag-effort si Dennis na sunduin ang kan­yang mag-ina sa­mantalang nasa taping lang naman daw ito sa Manila Memorial na malapit sa Parañaque.

Anyway, tahimik naman daw sana ang pagda­ting ng mag-ina ni Dennis kung hindi dahil na rin sa kapatid ni Carlene na si Ciara.

Hamakin mo ba raw namang nag-text ito sa staff ng Showbiz Central para sabihin kung may offer sila dahil nag-text daw ang ABS-CBN at may offer daw sa kanila kaya nag-inquire kung magkano ang offer ng Showbiz Central. “Ayun, kumalat tuloy na darating si Carlene,” say pa ng witness sa airport.

At any rate nauna nang sinabi si Dennis na wala muna sa plano nilang magpakasal ng beauty queen. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites