<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 22, 2007

Dennis at Carlene, ‘nagtatagpo’ sa webcam

KUNG d’yan sa Maynila ay tipid na tipid “mag-share” si Dennis Trillo ng mga bagay-bagay tungkol sa panganay niyang si Calix Andreas, dito sa Bacolod, medyo naging “galante” ang actor sa walang katapusang pang-uurirat ng Manila-based press.

Kasama ni Dennis na dumayo sa three-day Kapuso Masskara Festival ang fellow Zaido stars na sina Pauleen Luna at Paolo Ballesteros.

Nu’ng Biyernes ng gabi, sa kasagsagan ng Kapuso Night sa SM City Bacolod carpark area, inamin ng alaga ni Popoy Caritativo na excited na siyang makita’t mahawakan si Calix Andreas.

Opo, may letter “s” daw ang second name ng mag-iisang buwan niyang baby sa beauty queen na si Carlene Aguilar, ’di gaya ng mga naunang nasulat.

Ang ibig daw sabihin ng “Calix Andreas” sa isang Internet website (babynames.com) ay “very handsome.”

Agree si Dennis na guwapung-guwapo ang anak at tuwing tinitingnan ang ipinadadalang litrato ni Carlene via e-mail or MMS, nakikita niya ang sarili rito nu’ng baby pa siya.

Sa tingin ni Dennis, sa kanya nakuha ni Calix Andreas ang hugis ng mukha, mga mata at ilong nito.

Pero nang tanungin namin kung pinaglihian ba siya ni Carlene nu’ng ito’y naririto pa, ang tugon ng actor, hindi siya sure.

Sa pagkakaalam daw niya, malapit nang umuwi ang mag-ina mula sa Amerika, kung saan isinilang ang bagets.

Hindi naman daw sila nawawalan ng communication ni Carlene, dahil nakakapag-usap sila at napagmamasdan niya ang paglaki ng anak via the webcam.

Hindi man sigurado, posible raw umuwi ang mag-ina bago mag-Pasko.

Although excited, hindi alam ni Dennis kung ano ang unang gagawin sa sandaling makita’t mahagkan si Calix.

As for Carlene, the actor said they are taking everything one step at a time. Mag-uusap daw sila tungkol sa ilang mga bagay-bagay pagdating nito sa bansa.

Naging maingat nga lang si Dennis nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng dalagang ina.

“Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ’yan,” aniya pa.

Pero, love pa rin ba niya si Carlene? pangungulit ng press.

Sagot ni Dennis, “Ayaw ko nang sagutin ’yan at baka humaba lang, mayari pa ako. Hahaha!” [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites