<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 29, 2007

GMA Network nangunguna na sa buong urban Luzon

NANGUNGUNA na ang GMA Network pagdating sa TV ratings at audience share sa buong urban Luzon ayon sa data mula sa AGB Nielsen Media Research noong Setyembre hanggang unang dalawang Linggo ng Oktubre.

Nasa Total Urban Luzon ang 76.2% ng kabuuang urban TV household population sa bansa,
ayon sa AGB Nielsen.

Nagkamit ang Kapuso Network noong Setyembre ng 42.4% TV Household Audience Share samantalang ang kalabang istasyon ay nagtala naman ng 40.3%. Noong mid-October, umakyat pa ang audience share ng GMA sa 44.6% habang ang kalaban nito ay bumaba sa 39.4%.

Mula ika-1 hanggang ika-13 ng Oktubre, nanguna ang Marimar sa listahan ng top 30 programs sa buong urban Luzon. Nagtala ito ng 33.5% household ratings.

Pito sa mga nangungunang 10 programa sa nasabing period ay gawa ng Kapuso rin. Kabilang sa mga nangunguna sa listahan ang Mga Mata ni Angelita, Kap’s Amazing Stories, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Bitoy’s Funniest Videos, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, at 24 Oras.

Tunay ngang mas pinipili ngayon ng maraming taga-Luzon ang programs ng Siyete kaya napapabilang ang mga ito sa listahan ng mga nangungunang palabas. Habang umuusad sa ratings ang GMA, patuloy rin ang paglago ng kumpanya. Nakapagtala ito ng higit na malaking net income kumpara sa kalaban nitong nakaraang 3rd quarter. Patuloy rin ang pagpapalakas ng signal ng GMA at pagtatayo ng mga istruktura sa probinsya para sa mga manonood nito lalo na sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Samantala, patuloy pa ang pagiging lider ng GMA sa Mega Manila. Umakyat ang ratings nito mula 44% noong 3rd Quarter ng 2007 hanggang 47.7% noong mid-October. Ang ABS naman, bumagsak mula 35.3% hanggang 33.4% sa nasabing period. Sa Mega Manila pa rin, 22 sa 30 nangungunang programa ay gawa ng Kapuso. Ang Marimar, Mga Mata ni Angelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang nakakuha ng tatlong pinakamatataas na puwesto.

Sinasalamin ng mga resulta na GMA ang nagtatalaga ng pamatayan para sa programang pangtelebisyon, at wala itong kinikilalang hangganan kaya’t parami pa nang parami ang nagiging Kapuso. [source of news]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hiling ko sana sa unang hirit hiling na mabigyan ako ng 1 unit computer para magamit ko sa aking negosyo at makakatulong ako sa aking mga kapatid at magulang sana ho matupad ang aking hiling ngayong pasko thank you so much sa programa ng gma 7 unang hirit hiling ako nga pala si Jules kim Reclusado taga Garciavill, Mankilam, Tagum City, davao del norte... thank you so much ^_^

5:12 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites