<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, October 23, 2007

Janno Gibbs updates

First time ni Janno Gibbs na mag-host ng isang game show at solo niya pa. Kapalit ng katatapos lang na Celebrity Duets ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? na magsisimula na sa Oktubre 27.

Ito ang Pinoy version ng hit US game show na Are You Smarter Than a Fifth Grader? mula sa Mark Burnett Productions na producer din ng Survivor at Amazing Race.

"Ang kagandahan sa show na ‘to, hindi na ako pwedeng i-link sa kahit na sinong kasama ko dahil mga bata ang kasama ko sa show!

"Parang ang pangit kung mali-link ako sa isa sa kanila! Ha! Ha! Ha! Tingnan natin kung may mga ate silang magaganda!" natatawang sey ni Janno sa press launch ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? nu’ng Sabado sa Broadway studio.

Sampung matatalinong Grade V pupils (edad 10 to 11) mula sa UPIS, San Agustin, Claret School, atbp. ang kasama ni Janno sa nasabing game show.

Ang mga bagets ang magiging ‘classmates’ ng studio contestant. Hindi sila kalaban kundi kakampi ng contestant sa pagsagot sa grade school questions.

Ayon kay Janno, medyo tahimik siya ngayon dahil walang naiintriga sa kanya. Ang pinakahuling na-link sa kanya ay si Ehra Magdrigal pa na nakasama niya sa Lupin at wala raw namagitan sa kanila.

Natutuwa siya na ang natsismis sa kanya noon na sina Lian Paz (ng EB Babes) at Cristine Reyes ay sa ibang guys na nauugnay. Si Lian ay kay Mark Herras at si Cristine ay kay Dennis Trillo.

"Happy ako for them. Nalayo na sila sa lolo nila! Ha! Ha! Ha! Ang masasabi ko lang diyan, who’s your daddy? Idol nila ako, eh!" natatawang bulalas ni Janno.

"Ginamit ko nga ‘yon sa ‘Sobrang OJ’ (portion nila ni Ogie Alcasid sa SOP), eh! Sabi ko, si Fantasticman at si Zaido, gumaya kay Inspector Clavio (karakter niya sa Lupin)!"

So, inaamin niyang ‘dumaan’ talaga sa kanya sina Lian at Cristine bago napunta sa iba?

"Hindi, hindi! Na-link lang!" napapangiting palusot ni Janno. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites