<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 24, 2007

Lolit Solis, napanaginipan sina Piolo at Sam

Feeling ni Manay Lolit Solis, parang pinarusahan siya sa isyung bulungan nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Hindi na siya gaanong lumalabas ngayon, dahil umiiwas siya sa mga interview kaugnay sa lumalaking isyung ito.

Sa Startalk na lang gusto niyang magsalita, dahil mukhang ang dami nang nakisakay sa isyung ito.

May mga nagte-text at nag-e-email na nagsabing nakita raw nila sa Sofitel ang dalawang kontrobersyal na aktor nu’ng araw na iyun. Bakit pa raw sila tumatanggi?

Meron ding nagsabing si Piolo lang ang nakita nila, pero hindi si Sam.

Ang dami nang nakisakay, na sa totoo lang, wala namang balak na baguhin pa ni Manay Lolit ang kanyang kuwento.

Naiirita na raw siya dahil hindi na siya tinitigilan ng mga tanong tungkol sa dalawa at naguguluhan na siya. Nakakaabala lang daw ito sa kanyang pagyaman, dahil hindi raw siya kikita rito.

Pati sa panaginip ni Manay Lolit ay kasali na sina Piolo at Sam.

Ano ang eksena ng dalawa sa panaginip ni Manay Lolit? "Naku, naloka ako! Sumasayaw sila ng can-can sa panaginip ko! Ano kaya ang ibig sabihin ng can-can na sayaw?"

Sa Sabado ay may sasabihin pa si Manay Lolit tungkol sa isyung ito at sa demandang balak isampa nina Piolo at Sam.

Mukhang may sasabihin din si Tito Alfie Lorenzo tungkol sa isyung ito.

Ang dinig ko, may mga nangyari sa Amerika kaugnay sa mga na-cancel na show nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na kailangang ipaliwanag ni Tito Alfie.

Abangan na lang ito sa Startalk sa Sabado. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites