<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 26, 2007

Marian Rivera, iba ang ngiti kay Dingdong

Tuwang-tuwa ang mga taga-Marimar dahil sa patuloy na pagtaas ng rating ng telenobela nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Dinalaw namin ang taping nila sa Clark Airbase kahapon at pinagkaguluhan sila roon ng mga staff at guests ng Hotel Stotsenberg dahil lahat daw sila ay sumusubaybay kay Marimar.

Ang isa sa tuwang-tuwa ay si Marvin Agustin na kapapasok lang bilang Rodolfo San Ginez sa buhay ni Marimar.

Wala raw ka-pressure-pressure sa taping kaya magaan sa kanya ang trabaho sa teleseryeng ito.

"Mas excited sa akin ang mommy ko dahil talagang sinusundan niya ang Marimar, kaya malaki ang pasasalamat ko sa GMA 7 sa pagpasok sa akin dito," pahayag ng aktor.

Iniiwasan ni Marvin ang mga tanong namin tungkol kay Angel Locsin dahil matagal na raw tapos iyun at wala na raw silang komunikasyon ngayon.

Nagpahayag si Marvin na never daw magkakaroon ng ligawan dito sa Marimar dahil natuto na raw siya sa naranasan niya kay Angel sa Asian Treasures, na mahirap daw pala talagang isabay ang ma-in love sa kasama niya sa trabaho.

Maganda raw si Marian at hindi mahirap mahalin, pero mas mabuting magkaibigan daw sila para walang problema sa set.

Hindi naman maisip ni Marian na manliligaw sa kanya si Marvin, dahil parang "one of the boys" daw ang turingan nila sa isa’t isa.

Iba naman ang ngiti ni Marian kapag si Dingdong Dantes ang pinag-uusapan. Pero maganda raw ang friendship nila, kaya walang dapat ipagselos si Karylle.

Iniiwasan ni Marian na pag-usapan si Billy Crawford. Ayaw rin niyang sagutin kung naudlot nga ba ang panliligaw nito sa kanya. Basta, natatawa na lang siya.

Pagdating naman sa isyung sampalan nila ni Bianca King, naayos na raw iyun at okay naman daw sila ni Bianca. Nagte-text nga raw sila sa isa’t isa hanggang ngayon kahit tapos na si Bianca sa Marimar. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites