<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 31, 2007

Marian, tinalbugan ang mga bida ng ‘Hide and Seek’

Base sa reaksyon ng audience nu’ng premiere night ng horror flick na Hide and Seek ay mukhang may potential Halloween hit si Mother Lily Monteverde.

Ang lakas ng tilian ng fans na may kasunod na palakpakan sa mga nakatatakot at nakagugulat na eksena sa pelikula.

Okey ang screen presence ng dalawang bidang bagets na sina Jennica Garcia at Mart Escudero na kapwa introducing sa movie. Parehong natural umarte ang dalawa at mukhang malaki ang promise ng kanilang loveteam.

Jean GarciaIn fairness ay panay ang hiyawan ng fans nina Jennica at Mart kapag sila ang magkaeksena. Hindi mo mararamdamang first movie ito ni Jennica dahil tila sanay na sanay ang bagets sa harap ng kamera at obvious na nagmana ito sa inang si Jean Garcia.

Nagsimula ang mga katatakutan sa kuwento nang lumipat ang pamilya nila sa isang lumang bahay sa malayong probinsya matapos ma-acquit sa salang pagpatay ng isang estudyante nito sa Maynila ang stepdad ni Jennica na si Eric Quizon.

May malagim na kuwento ang nilipatan nilang bahay dahil ang dating katiwala rito (Alessandra de Rossi) ay pinatay ng kanyang may paltik na asawa (Ryan Eigenmann) nang matuklasang may relasyon ito sa kanilang amo.

Kahit napanood mo na ito sa sandamakmak na Asian at American horror flicks ay epektibo pa rin ang pananakot ni Direk Rahyan Carlos sa pelikula.

Hindi namin ito natapos (dahil sumegue pa kami sa party ni Tita Annabelle) pero base sa napanood namin ay okey ang scare factor nito at mas matino ito kumpara sa directorial debut ni Direk Rahyan na Pamahiin.

Agaw-eksena ang nakatutuwang maid cum yaya ng pamilya na ginampanan ng komedyanang si Rubi Rubi. Beterana ng mga comedy bars ang hitad kaya ang galing-galing niya bilang comic relief ng pelikula.

Bongga ang exposure ni Rubi Rubi at sa mga napanood naming eksena ay parang lumalabas na mas mahaba pa ang role ng hitad kesa kay Alessandra!

Dumalo sa red carpet premiere ng pelikula ang star ng Marimar na si Marian Rivera.

Nagkagulo ang mga tao sa sinehan pagkakita kay Marian, na ang sexy ng dating sa kanyang maiksing slip dress.

Kapansin-pansin na nakaagaw ng atensyon ang dalaga dahil ‘yung ibang fans ay mas interesado sa kanya at siya ang mas pinagkakaguluhan kesa sa mga bida ng pelikula.

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Hide and Seek (na graded ‘B’ ng Cinema Evaluation Board).
[source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites