<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, October 23, 2007

‘Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam’

Masyado nang nagugulo ang buhay ko sa Sam Milby at Piolo Pascual issue.

Tungkol sa kanila ang itinatanong sa akin ng mga tao na nakakasalamuha ko. Napapagod na ako sa kasasagot at sa pauli-ulit na pagkukuwento sa eksena na na-witness ko sa Sofitel noong October 12, 2007.

Bayolente naman ang reaksyon ng ilang fans nina Sam at Piolo. Galit na galit sila sa akin. Hindi raw dapat paniwalaan ang mga sinasabi ko dahil wala akong kredibilidad. Dahil ako ang utak noon ng filmfest scam!

Wala raw akong kredibilidad pero panay ang pagbabasa nila sa mga isinusulat ko at react sila nang react. Kailan ba ako nag-deny na wala akong kinalaman sa filmfest scam? Sino ngayon ang may problema? Sino ang naimbyerna? Ako ba?

Bakit hindi pa nila aminin na nag-e-enjoy sila sa pagbabasa ng column ko?

Bakit hindi pa nila aminin na interesado rin sila na malaman ang katoto­hanan.

May isinulat ba ako sa column ko na gay sina Sam at Piolo? Wala! Sinabi ko lang na nagkaroon ako ng malisya nang bigla silang umalis nang malaman nila na naroroon din ako sa poolside coffee shop ng Sofitel.

Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam laban sa akin. Hindi na niya kailangang itanong kung ano ang mapapala ko sa pagkukuwento na nakita ko sila ni Piolo na magkasama dahil wala talaga akong magiging pakinabang. Hindi ako umaasa na bibigyan nila ako ng datung ‘noh!

Welcome na welcome sa akin ang pagdedemanda na gagawin ng isang American citizen.

O ayan ha, baka sabihin na naman ng fans ni Sam na nagbibigay uli ako ng malisya dahil sinasabi ko na American citizen siya. Na inililihis ko ang isyu.

It’s a fact na American citizen si Sam ‘noh! Baka hindi nga niya memorized ang lyrics ng Lupang Hinirang kapag ipinakanta ito sa kanya!

* * *

Nang isulat ko na nakita ko sa Sofitel sina Sam at Piolo, naglabas kaagad ng denial ang kanilang kampo. Isa-isang nagsalita ang kanilang mga witness.

Hindi ako naghanap ng witness dahil capable ako na panindigan ang aking kuwento.

Naloka pa nga ako nang mabasa ko ang message na ipinadala sa PSN ng reader na si Angelfez.

Hindi ko kilala si Angelfez at ang alam ko, walang ibang tao sa poolside coffee shop nang araw na ‘yon kaya nagulat pa ako nang malaman ko na may ibang nakakita.

Sinadya ko na i-edit ang kuwento ni Angelfez dahil idinamay pa niya sa kanyang message ang kapatid ni Piolo na hindi dapat masangkot dahil hindi naman siya parte ng showbiz:

“I don’t understand why Piolo and Sam’s camp were over- reacting with Lolit’s article. My cousin and her American husband were there when it happened. Of course she knew Piolo and Sam because we have TFC here in NY.

“ And why deny the incident when a lot of people including my cousin saw them? Hmmmm...”

* * *

Tumawag din sa akin ang mga empleyado ng Prinsesa Papaya na nagkaroon ng event sa Sofitel Tent noong October 12, 2007.

Sinabi nila na naroron daw si Piolo ng araw na ‘yon. Ikinuwento pa nga nila sa akin na Hummer ang sasakyan ni Piolo. Paano nalaman ng mga tumawag sa akin ang klase ng sasakyan na ginamit ni Piolo kung hindi nila nakita?

o0o

Nagde-demand ng public apology si Sam at ipinababawi niya sa akin ang kuwento ko or else, kakasuhan raw niya ako.

Mas gugustuhin ko na idemanda ako ni Sam kesa bawiin ko ang mga statement ko.

Puwede akong mag-sorry kung talagang na-hurt siya sa aking mga sinabi pero never kong babaguhin ang kuwento ko!

At kapag itinuloy ni Sam ang pagdedemanda, ipinakita lang niya na hindi siya patas lumaban.

Bakit? Hindi niya idinemanda ang mga tao na nagsabi noon na gay siya. Ako, never akong nagsulat na gay si Sam o si Piolo.

Amateur na amateur nga ang statement ko kumpara sa mga sagot noon ng mga naging guest sa radio program ni DJ Mo na itinanong nito kung sino sa palagay nila ang mga artista na sasabihan nila ng “Dude I Think you’re gay!” Kaninong pangalan ba ang kanilang isinagot pero hindi naman nagbanta na magdedemanda? [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites