<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 26, 2007

Rufa Mae inokray ni Ai-Ai

COMEDY Concert Queen Ai-Ai delas Alas stole the show from Erik Santos nang pumasok ito sa entablado bilang guest performer sa first major concert ng huli na Erik Santos… Solo at the Araneta last October 19, Friday.

Tila nagkaroon ng sneak preview ang audience sa Big Dome what to expect as Ai-Ai takes the centerstage on November 16 for her solo concert. Sabi nga ng isang malapit kay Ai-Ai, higit pa raw ang ipapamalas dito ng magaling na komedyante sa gabi ng kanyang show.

Nakakalokah lang ang mga punchline na pinakawalan ni Ai-Ai kina Erik at Rufa Mae Quinto. Sabi nga ng isang writer na katabi namin, sapol na sapol si Rufa Mae sa pinakakawalang biro ng komedyante.

As a real trouper, tanggap naman ito ni Rufa Mae at tawa pa siya nang tawa sa mga biro ni Ai-Ai.

Nag-enjoy talaga nang husto ang mga tao sa concert ng Prince of Pop lalo na sa bahaging “pang-ookray” ni Ai-Ai sa ex-girlfriend ni Erik na dumating late sa venue at nakaka-tatlong kanta na yata si Erik nang ukupahin ni Rufa Mae ang upuan sa front row na halos katabi lang ng upuan ng pamilya ng Star in a Million champion.

Nang mapansin ni Erik ang presence ni Rufa Mae, sabi nito sa kanyang ex-girlfriend, “Naku, Miss., hindi ka yata masyadong handa!”

Erik was referring of course sa magarang ka-suutan ng isa sa aktres ng Bubble Gang ng GMA Network. Talagang kinarir ni Rufa Mae ang kanyang kasuutan sa gabi ng concert ng kanyang ex-boyfriend. But sadly, hindi nga siya napasalamatan ni Erik tulad ng nasulat ng katotong Gerry Ocampo sa column niya sa People’s Tonight recently.

Kami rin ay nagtanong sa katabi naming reporter kung bakit hindi nabanggit ang pangalan ni Rufa Mae sa mga celebrity na pinasalamatan ni Erik.

Napuna na namin ito pagkatapos niyang pasalamatan ang presence nina Piolo Pascual, “Marimar” lady director, Bb. Joyce Bernal, Christian Bautista, Angelika de la Cruz, Sheryn Regis, Irish Fullerton , K Brosas, Daisy Romuladez at Amalia Fuentes at marami pang iba.

Masyado lang sigurong excited si Erik na makita sa audience ang dating kasintahan. Isa pang napansin namin, wala kaming naispatang bigwig ng ABS-CBN.

At any rate, congratulations pa rin kay Erik for his superb performance. Sa kanya talaga ang ti-tulong Prince of Pop. He was indeed in his best element, ‘ika nga, pinaghandaan at piling-piling mga kantang higit na bumagay sa kanya boses.

Hindi rin nagpatalo si Erik sa kanyang mga guest tulad nina Sam Milby, Nyoy Volante and The Company.

Missing in action that night si Danita Paner. Na for some reason, hindi nakarating kahit may pasabi sa Backroom staff na sisipot ito.

Totoo nga kaya ang tsika na nagta-nan ang adopted daughter ni Daisy R.? Iba’t-ibang bersyon ang naririnig namin tungkol sa isyu pero we won’t dwell na on this.

“Ang tagal kong hinintay ito, five years!” sabi ni Erik sa kanyang spiels. Hataw si Erik sa pagkanta, kinarir din nito ang pagsayaw. Sa huli, isang standing ovation ang ibinigay sa kanya ng Araneta Coliseum audience. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites