<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 21, 2007

Angel Locsin pinuri ni Maxene Magalona

Si Maxene Magalona ang original choice ng GMA para gumanap sa papel noon ni Alwina, ang katambal ni Richard Gutierrez sa telefantasyang Mulawin.

Mas pinili ni Maxene ang mag-aral ng kolehiyo sa Ateneo kaya hindi niya tinanggap ang nasabing proyekto kung saan unang napansin at nakilala ang pumalit sa kanya na si Angel Locsin.

Nanghihinayang ba siya sa pagtanggi niya noon sa Mulawin?

"No, wala akong panghihinayang," sagot ng magandang dalaga nina Francis Magalona at Pia Arroyo, na nagbabalik-showbiz sa ‘ahaseryeng’ Kamandag ng GMA.

"Actually, I wrote this in my blog already, na sinabi ko na, ‘Oo, dapat sa akin originally ‘yung Alwina.’ But I don’t have any regrets because at that time, I was supposed to enter college pa lang.

"Kung tinanggap ko ’yung Mulawin, hindi ako magka-college. And at that time, close na close kami ni Angel and she was telling me na, ‘Mare, gusto ko talagang magganito, magganyan…’

"And I saw it in her, the passion. So, parang naisip ko na bakit sa akin mapupunta ‘yung project eh, siya ‘yung talagang may gusto? So, sinadyest ko siya kina Ma’am Redgie (Acuña-Magno, Program Manager ng Mulawin).

"Sabi ko, ‘Ma’am Redgie, sorry. I really want this, pero ibigay n’yo na lang po sa iba, like kay Angel po.’ So, nag-suggest ako na si Angel…

"And right now, I don’t regret it. Kasi, eto, patapos na ako (ng college) at siya, nakuha niya ‘yung gusto niya na gusto niyang mag-soar, gusto niyang mag-try ng new things," sey ni Maxene, na mukha pa ring 18 y/o kahit ang totoo ay 21-anyos na siya.

So, naniniwala siyang para kay Angel talaga ‘yon at hindi para sa kanya?

"Feeling ko, meant ‘yon for her and feeling ko, kahit na tinanggap ko ‘yung Mulawin, hindi mawawalan ng career si Angel. Kasi, ‘yung sa Mulawin, that was all her, eh! It’s not because of me.

"I mean, pinaghirapan niya ‘yon at masipag talaga si Angel, let’s not deny that. She’s very good. At kahit ano pang mangyari, she’s really gonna work her way to the top. Kaya wala akong regrets.

"Kasi, ang naisip ko rin, ang daddy ko po, artista. I’m not taking this showbiz career for granted, but I’m just saying na kahit na nag-lay low muna ako for a while, alam kong matatanggap pa rin ako because of my dad, dahil showbiz family kami.

"Eh, ‘yung ibang mga artista, wala silang gano’n, di ba? So, at least, thankful din ako. So, we all got what we wanted," paliwanag ng articulate na young actress.

Konting units lang ang kinukuha ni Maxene sa Ateneo at hindi siya nagsa-summer classes kaya one year to go pa siya bago gumradweyt.

Dahil 4th year na siya ay kaya na raw niyang bigyan ng panahon ang showbiz.

At kung dati ay wala siyang focus at parang wala lang sa loob niya ang pag-aartista, this time ay seryoso na raw siya sa showbiz career niya.

"Iba na ngayon. Kasi, at that time, I was 17. Now, I’m mature na. Definitely, I’m more dedicated and I’m happy na at least, malapit na akong magtapos and at the same time, nagagawa ko ‘to. So, this is it!

"Kaya nga I’m just so thankful na at least, tinatanggap pa rin ako ng showbiz ulit. And ‘yung mga tao, at least, hindi nila ako nakalimutan.

"Nababasa ko sa mga internet forum na lahat sila parang, ‘We’re so happy she’s back!’ I’m so glad. And siyempre, I owe it also to my showbiz family, lalo na sa dad ko. Kasi honestly, kung wala sila, feeling ko talaga, mawawala na rin ako," pahayag pa ni Maxene, na gumaganap bilang si Lily, ang kababata ng bidang si Vergel (Richard Gutierrez) na may lihim na pag-ibig sa binata sa Kamandag, na nagtala ng 42.7% overnight rating nang mag-pilot ito nu’ng Lunes.

Handa na ba siyang kabugin ang mga itinuturing na prinsesa ng GMA?

"Alam n’yo, kahit tinatanggap ulit ako ng Filipino audience, kahit na sinasabi nilang excited sila to see me, actually to be honest, I’m very nervous.

"Alam mo ‘yung pressure na, ‘Eto ka na naman, nagbabalik ka, ano’ng kaya mong ipakita sa amin?’ Parang natatakot ako, pero at the same time, I’m gonna do my best.

"Sana lang, hindi sila ma-disappoint. Sana, magustuhan nila. And even if I’m nervous, I’m excited. Kasi, eto na talaga, eh! It’s the right time. Feeling ko, it’s meant to be, kaya I’m so blessed," sambit pa ni Maxene. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites