<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 29, 2007

Bong Revilla, pinoprotektahan ang mga anak

Pinagkumpulan ng press si Senador Bong Revilla pagkatapos ng open forum sa presscon ng pelikulang Resiklo kahapon sa Annabel’s.

Napag-usapan ang reaksyon ng asawa niyang si Lani Mercado sa isyung may bago siyang anak sa ibang babae.

"Kung anuman ‘yung ano namin ni Lani, sa amin na lang ‘yon. We will keep it to ourselves. Siyempre, kailangan ko rin namang proteksyunan ‘yung maliliit kong anak. Ayoko naman na…

"You can read between the lines kung ano ‘yung totoo at hindi. Hindi naman ako sinungaling na tao. Maybe, at the right time, that will come out. Hindi naman ako nagsisinungaling, eh! Ayokong magsinungaling," sambit ni Bong, na gumaganap bilang dating military commander na si Crisval Sarmiento (ang lider ng grupo na lumaban sa mutants at alien invaders) sa sci-fi-action flick na Resiklo.

Matatanggap ba ng pamilya niya ang bagong ‘karagdagan’ na ito sa kanilang pamilya?

"At the right time. Tanggap naman nila ‘yung anak ko ngayon, eh…" pakli niya, na ang tinutukoy ay ang 15-anyos na anak niyang lalake sa isang non-showbiz girl.

Papasok nga ba sa showbiz ang anak niyang ‘yon na si Luigi?

"Hindi, hindi… ayaw niyang mag-artista. Mahiyain kasi ‘yun, eh! Pero walang problema sa akin kung gusto niyang mag-artista. But Luigi is close to my kids. Close silang magkakapatid," aniya.

***

Kung merong magki-claim ulit na anak niya, tatanggapin na lang ba niya ito kaagad o gagawa siya ng imbestigasyon para malaman kung anak nga niya talaga ito?

"Awa ng Diyos, wala pa namang lumalabas…"

Na may duda siya kung totoong anak niya?

"Oo," naniningkit ang mga matang sagot niya.

So, lahat ng lumabas, sure siyang anak niya?

"Uyyy, fishing ka! Ha! Ha! Ha!" tawa ni Bong.

"Wala naman. Alam mo, gasino na sa akin na tanggapin ko ‘yon? Ang Revilla is known for that, di ba?

"Ang tatay ko, ang anak, otsenta! I’m not saying na gawin n’yo ‘yon. Hindi siya morally right, di ba?

"May mga anak tayong dapat proteksyunan. At bilang senador ng ating bansa, hindi ‘yon tama. So, hindi dapat na kung anumang bagay na nagawa ng isang tao, ipagsisigawan mo…" katriwan niya.

***

Lumabas na ang interview nila ng misis niyang si Lani sa YES! magazine.

Nabanggit sa amin ni Ms. Lani na may isang item doon na nag-aalala siya kapag nabasa ng tatlong nakababata nilang anak.

Ayon kay Lani ay hahayaan niyang si Bong ang magpaliwanag ng bagay na ‘yon sakaling magtanong ang tatlong bagets. Anong reaksyon niya rito?

"At the right time…" kaswal at matipid na sagot sa amin ni Bong.

Hayagan nang nasusulat na ‘yung bagong babae na nagkaroon siya ng anak ay ang 2000 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific na si Josephine Canonizado…

"Alam mo, huwag na lang natin siyang i-drag, ‘yung pangalan niya… ako na lang ang i-drag n’yo.

"At saka siyempre, maaapektuhan din si Lani. So, huwag na lang idamay ‘yung iba. Pakiusap ko lang…"

Pero anong reaksyon niya na ngayon ay tinukoy at pinangalanan na ‘yung dati ay bulung-bulungan lang?

"Wala naman kasing sikreto na hindi nabubunyag, eh! If you’re public property, talagang expected na ‘yan…

"Ang ano ko lang, napakahirap ng sitwasyon. Marami kaming dapat proteksyunan. Pamilya, marami…

"Mahirap, eh! Tama na! Mamaya, hiwalayan na ako ng asawa ko niyan!" maigting na bulalas ng natatawang si Sen. Bong, sabay lakad papalayo sa nagtatawanan ding showbiz press. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites