<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 28, 2007

Carlene Aguilar, galit kay Dennis Trillo

Sa huling interview ko kay Carlene Aguilar, deretsahan niyang sinabi na tapos na ang sa kanila ni Dennis Trillo at hindi na maibabalik ang dati niyang pagtingin dito.

Nagalit si Carlene sa huling interview ni Dennis na napanood niya sa Startalk dahil nagsinungaling daw ito.

"Hindi ko nagustuhan ang interview niya. Kasi, kung magsasalita siya, sana, sabihin na niya iyung totoo.

"Meron siyang mga hindi sinabing totoo, and du’n medyo hindi ko nagustuhan. Sa totoo lang, gusto kong maging honest, hindi ko talaga nagustuhan," pahayag ni Carlene.

Hindi na niya idinetalye kung ano ang hindi totoo sa mga sinabi ni Dennis, basta alam na raw iyun ng aktor.

"Hindi ako magagalit sa kanya kung hindi niya pinagsabay, tsaka alam mo iyun, kasi, kung ayaw niya na, sabihin na agad, ‘di ba? Hindi iyung magsisinungaling siya, pangit eh.

"Nag-sorry na lang sana siya. Tapos, okay na iyun eh, hindi na niya kailangang mag-explain at magsabi ng kung anu-anong lies.

"Nu’ng umalis ako pa-States, ang ayus-ayos namin. Ano iyung sinasabi niyang ang gulu-gulo?

"Basta siya na lang ang kausapin n’yo kung ano iyun, and alam niya kung ano iyung pagsisinungaling niya. Siya ang makasasagot kung ano iyung totoo.

"Kung magpapa-interview kasi siya, sabihin na niya iyung totoo. Kasi ako, ano ang mapapala ko kung magsisinungaling ako, ‘di ba?" himutok pa ng dating beauty queen.

Apektado ang relasyon nina Dennis at Carlene bilang magulang ng kanilang anak na si Calix. Kung gusto raw ni Dennis na ipagpatuloy ang responsibilidad nito bilang ama ni Calix, nasa kanya na raw iyun. Pagdating sa kanya ay wala na raw.

Pinalitan na raw ni Carlene ang number ng cellphone niya. Kung gusto raw ni Dennis na pumunta sa kanila para dalawin ang baby, okay raw ito. Pero as much as possible ay ayaw na muna ngayon ni Carlene.

Itinuring na lang daw niyang isa sa mga bahagi ng buhay niya si Dennis at tinapos na niya ito.

"Tapos na. Wala nang dapat ibalik pa. Masyado nang maraming damage na nangyari, at iyung sinasabi niyang magiging kumplikado, eto na iyun.

"Masyado nang kumplikado na hindi mo na maaayos," diretsong sagot ni Carlene.

Wala na raw sa isip niya si Dennis at nagpapasalamat na lang daw siya sa ngayon dahil okay na raw sila ni Cristine Reyes. Hindi naman daw sila dapat mag-away pa.

Ang mensahe lang niya kay Cristine: "Gusto ko lang mag-thank you and masaya na tayong dalawa. Happy na tayo and ingat, good luck sa career mo. Tapos, huwag nang magpapaloko."

Ibinalik namin kay Carlene ang isyu kina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto na napabalitang tinawagan niya noon at inaway nang na-link sila kay Dennis.

"Kay Angel, no comment ako riyan. Kasi, magkaibigan kami before pa nu’ng hindi pa siya artista.

"Iyung kay Rufa Mae, sabi nga niya eh, past is past. Let’s not dwell on the past, hahaha!

"Tsaka don’t be desperate, hahaha! Peace! Push your luck, hahaha! Iyun lang ang masasabi ko."

Mapapanood sa Startalk ang kabuuan ng panayam na ito kay Carlene. Meron ding interview ang The Ricky Lo Exclusives na mapapanood ngayong gabi sa Q-11. [source of news]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites